The Prince's Trial-and-error Love


THE PRINCE'S TRIAL-AND-ERROR LOVE
by: Marione Ashley
Released Date: January 22, 2013
[Tennis Knights]

"I'm willing to fight destiny because I love you."

Ashleigh fell in love with the man in her dreams. Alam niyang ang lalaki sa panaginip niya ay ang lalaking nakalaan para sa kanya. At wala na siyang ibang lalaking mamahalin pa kundi ito lang. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Rein. At natuklasan niyang schoolmate niya ito, kaya ginawa niya ang lahat upang mapansin nito. Pero lantarang sinabi ni Rein na tigilan na niya ito dahil hindi siya nito kayang mahalin at masasaktan lamang siya kung ipagpapatuloy niya ang nararamdaman niya para dito. Pero hindi siya basta-basta susuko. Nagtagumpay naman siya.

Smooth-sailing na ang relasyon nila nang malaman niyang nagdadalawang-isip si Rein sa pag-alis ng bansa upang tuparin ang mga pangarap nito. Alam niyang siya ang dahilan sa pag-aatubili nito kaya kinumbinsi niya itong umalis. At alam niyang ang paglalayo nila ay mangangahulugang wala nang patutunguhan ang relasyon nila.

Kung sana’y nakinig si Ashleigh kay Rein noon nang sabihin nitong masasaktan lang siya kung ipagpapatuloy niya ang nararamdaman para dito.




---  The supposedly title of this novel was "The Prince I Love, The Prince In Love." I changed it when I revised the story.

---  This wasn't my plan when I conceptualized Rein's story. But when my editor asked me to do some revising, the same with Chase, I deleted everything and wrote another plot.

---  Kay Les pa lang, ang gusto ko na sanang spelling ng name ni Rein ay "Rain" para hango kay Bi Rain. Pero masyado na kasing mainstream ang Rain so I changed it to "Rein." I know masyado rin mainstream ang pangalan ng kuya niyang si Storm pero wala kasi akong maisip na name that time. I was thinking of Thunder but then... :)

---  Ashleigh's name was from the pen name I passed two years ago which was Mikhail Ashleigh. If I remember it right, galing sa friend ko ang suggestion na `yan. Gusto ko kasi talaga na "M.A." ang initials ng pen name ko coming from the initials of my real name. Sa Ashleigh kinuha ni Sir Jun ang pen name kong "Ashley" at dyahe naman kung gagamitin kong bida ang Ashley dahil baka isipin nila na ako `yon so ginamit ko si Ashleigh.

---  Dapat si Rein ang last sa Tennis Knights being the bunso and all. Pero naisip ko na si Enzo na lang ang ihuli dahil siya naman ang pinaka-epal sa lahat kaya dapat siya ang mahirapan ng wagas. Malay ko bang pati ako ay mahihirapan sa kanya T_____T

---  Nabanggit ulit ang Saint Louis University dito at ang guwapong Tennis Captain na si Martin. Kung matutuloy ang plano ko for Enzo, makikilala niyo pa siya maging ang ibang member ng tennis club sa Saint Louis. Ho-ho. At kung papasa ang pinasa kong book two ng LoveString (Tikom ang bibig sa spoiler).

---  Hindi ko masyadong ginawang suplado si Rein dahil feeling ko, masyado pa siyang bata para maging gan'on. Ahehe. But I hope you will love his robot attitude even just a little.

---  Hindi ko planong maging sobrang mean si Enzo at Storm dito. Basta. Sana huwag kayong magalit sa kanila masyado. Sadyang pakialamero lang sila T______T

---  Mahaba ang timeline nitong kay Rein. Nagsimula kasi siya let's say after magka-closure sa love life ni Cloud at Skye. Remember, nag-crossover pa kasi si Rein at Ash sa Foundation Day at nabanggit pa ang Wedding Booth na siyang pinagtapatan ni Reus kay Jelle. Feeling ko kasi, masyadong mabilis ang paglambot ni Rein kay Ash kung magsisimula ang story nila pagkatapos ng kay Guji.

---  Five stories ang nadaanan ni Rein. Four of them had a closure already. Nadaanan nila si Chuck, Reus, Guji, and Kei. Ash and Rein's story ended a week after Kei's. And Enzo... Siguro nagka-clue kayo na nag-drift si Allie at Enzo at the end of the story.

---  Ashleigh and Arianne's friends-slash-club members will not have a story. Filler lang po talaga sila :) And yes, babae po si Mikael. "Mik-keyl" ang basa sa name niya. Ahehe.

2 comments:

  1. Tanong lang po kung nagawa na po ninyo ang story ni enzo? favoritee ko po kc siya kc masungit tsaka gusto ko na po tlagang mabasa ang story niya. Sana po mabasa niyo po ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'm currently writing his story and hopefully matapos ko siya bago mag-end ang 2013 :) Sana mahintay mo pa siya. Ahehe :)

      -Marione Ashley

      Delete