I WANT YOUR LOVE
Released Date: October 20, 2010
[Tennis Knights]
"Ipaparanas ko sa iyo kung gaano ka kasuwerte na ako ang girlfriend mo."
Hindi inaasahan ni Airin na magkakaroon siya ng pagkakataong mapalapit sa lalaking minamahal niya nang lihim—si Alessandro. Ginawa niya ang lahat para maturuan niya itong mahalin din siya. Pumayag siyang maging "pretend girlfriend" nito para makaganti ito sa mortal enemy nito na si Charlie at sa ex-girlfriend nito na nanloko rito.
Habang umaarte silang "magkasintahan" ay naramdaman niya na tila nag-iiba na ang trato nito sa kanya. Labis-labis ang tuwa niya dahil parang unti-unti nang nahuhulog ang loob nito sa kanya. Pero bumagsak ang pag-asa niya dahil lamang sa isang litrato nito na nagpapatunay—at nagbalik sa kanya sa realidad—na kahit kailan ay hindi nito magagawang mahalin siya.
Nalito siya kung alin ang pakinggan niya: Ang isip niyang nagsasabi na "Tama na," o ang puso niyang sumisigaw ng "Kaya mo pa"?
--- The title I Want Your Love comes from Lady Gaga's song, Bad Romance. When I was writing this novel, my niece was listening to this song nonstop. Love, love, love, I want your love. My first choice for the title was "Song Of Love" which was the English translation of Ai No Uta which was the OST in Koizora. Super love ko kasi `yang kantang `yan that time. Eh hindi na bumagay `yong kanta sa story so ayon, nag-Bad Romance ako. Este, I Want Your Love pala. Hehe!
--- This is my first ever approved manuscript and first published manuscript ever! Eto rin ang kauna-unahang manuscript na pinasa ko.
--- I wrote this manuscript for two weeks. Matagal kasi nanonood ako ng Mei-chan's Butler while writing. Saka nanghihiram lang ako ng laptop sa ate ko that time. Hehe. I passed this on June 5, 2010 and I received a feedback four days after. This was published four months after the approval date, on October 20, 2010.
--- Since my sister was so addicted to Prince of Tennis and was watching the anime nonstop that time, naadik din ako. So ayan ang kinalabasan, ang Tennis Knights. Idagdag pa `yong mga "Kuya" kong adik din sa Prince of Tennis. They were the one who suggested I write a story where the hero is a tennis player.
--- Les' name comes from a real person, Alessandro Crawford. Kuya Les is a friend of mine. The heroine Airin Nessa Chua comes from a dear, dear friend, too--Ate Ness. They're a member of our group, Vampyres. And no, they're not an item in real world.
--- Les' nemesis, Charlie, comes from Charlie Del Rosario--building sa aking sintang paaralan, ang PUP. Hehe. Though I made it Charlie Del Pierro on my novel.
--- The setting, Saint Vincent University, well, `yong Vincent ay galing kay Vincent ng Ghost Fighter. Tapos nag-search ako at pwede naman palang Saint Vincent University bilang may ganong university around Philippines.
--- Kung nabasa niyo na `to, mayroong isang scene dito `yong nasa Ferris Wheel sila. Hinugot ko `yon sa isang manga na hindi ko na maalala `yong title. Pero tanda ko pa na sa manga, hindi dapat si Guy yung kasama ni Girl sa loob ng Ferris Wheel bilang hindi naman siya `yong date dapat ni Girl. Eh nagpilit si Guy kaya ayon. Doon galing `yong scene though magkaiba sila. Hehe. Isa pa, favorite ko talaga ang Ferris Wheel ride sa Star City.
--- Iyong picture thingy ay may pinaghugutan. May nakita kasi akong picture at video ni "Crush" with his girlfriend at naisipan kong ilagay `yon dito sa novel. At least napagkakitaan ko siya. Hehe.
0 comments:
Post a Comment