Chance
Isa lang naman ang gusto ni Sweetheart Fate: ang mapalapit sa ultimate crush niyang si Chance Matthews. Pero dahil shy-type siya, mukhang malabong mangyari `yon. Kaya ganoon na lamang ang laking pasasalamat niya sa kanilang professor nang ginawa nitong partner niya si Chance para sa final project nila.
The project was going smoothly—and so were their blossoming friendship. Sa parte ni Sweetheart, lalong nahuhulog ang loob niya kay Chance. He wasn’t perfect but he was all she ever wanted. She learned later on that the feeling was mutual. She was ecstatic, who wouldn’t?
Pero nagkaroon ng lubak sa daanan nilang dalawa ni Chance sa katauhan ni Destiny.
Three years later, she came back. Just like before, her heart was still captivated by him. Her heart still loves him undeniably. Gamit ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya, nanghingi siya ng ikalawang pagkakataon sa lalaki.
“Don’t waste this chance, Sweetheart,” he said.
Dalawa’t kalahating tanga siya kung sasayangin pa niya ang pagkakataong ito.
“I don’t want a half-hearted Sweetheart; `yong Sweetheart na mang-iiwan sa ere dahil hindi niya alam ang gusto niya; `yong Sweetheart na tatalikuran ako dahil `yon ang gusto ng mga nakapalibot sa kanya. Can you give me a Sweetheart worth giving a chance?”
Sunud-sunod ang tango niya habang umaagos pa rin ang luha sa magkabila niyang pisngi. “In the end, if it’s still Destiny you want, I will accept it. Just give me a chance to show you you’re not just a nothing to me.”
Iyon ang isinagot ni Sweetheart kay Chance nang nanghingi siya ng isa pang pagkakataon na ipadama na mahal niya ito. Handa na siyang ipaglaban ito. Uunahin na niya ang kaligayahan niya.
Kung sa huli, hindi siya nito magawang mahalin ulit, ang mahalaga ay naipadama niya ang pagmamahal niya dito.
Kahit na masaktan pa siya ng paulit-ulit.
Project: Neverland
Storm
Para makatakas sa isang arrange marriage, naisipan ni Ara na magtago pansamantala. Soul searching, ika nga. Pero may asungot na sumama, si Storm Hontiveros, ang first love niya at ex-boyfriend ng college friend niya. Wala siyang choice kundi pasamahin ang lalaki dahil may pang-blackmail ito sa kanya.
Sabi niya sa sarili, hindi na siya mahuhulog dito. Never ever. Isa pa, ang gusto na niya ay si Squall Hontiverso na pinsan nito.
May pa-never-ever pa siyang nalalaman, eh sa bawat haplos ni Storm, kinikilig siya. Sa bawat yakap nito, nahuhulog siya. Sa tuwing kasama niya ito, nagiging masaya siya.
Never ever. Never ever na yatang mawawala ang pagmamahal niya para kay Storm. Ang masaklap, never ever din ang feelings ni Storm para sa ex-girlfriend nito.
Saklap.
B-in-lackmail ni Storm si Ara kaya wala siyang magawa kundi isama ito sa pagso-soul searching niya. Sa loob-loob ni Ara, ayos lamang dahil wala na siyang gusto rito. Si Squall na pinsan nito ang crush niya. Safe siya, right?
Still, Ara made a contract. The last rule? Do not fall in love.
Smooth-sailing ang lahat sa pagitan nila. But slowly, Ara was noticing the changes happening to her. Nag-iiba ang tingin niya kay Storm. Nagkaka-malisya ulit! Pinilit niyang sitahin ang puso pero matigas iyon. Hindi pala huminto iyon sa pagmamahal kay Storm, nagpahinga lang.
Breaking the rule pa rin ba kapag mahal pa rin pala niya ito bago pa man magawa ang kontrata sa pagitan nila?
At paano ang puso ni Ara kapag bumalik ang ex-girlfriend ni Storm na hanggang ngayon ay mahal pa nito?
Sugatang puso, anyone?
The Cereal Killer
Signs you are falling in love with Rake Avila:
Sa bawat pagpikit mo, siya ang nakikita mo.
Masaya ka kapag kasama mo siya (kahit na inaasar ka niya at tinatawag na A-cup).
Sa kabila ng mga pang-aasar niya, nakikita mo ang sariling hinahanap-hanap siya.
Kapag malungkot ka, siya ang nagbabalik ng ngiti sa mga labi mo.
Cereal checked all of those. She fell for the person she least expect to fall for. Gagantihan lang niya dapat si Rake sa mga pang-aasar nito. Pero nang mapalapit siya rito, hayan, lumabas ang signs na `yan. Pero.
Why you should not fall for Rake Avila?
Mas may pag-asa pang magmahal ang fish ball kaysa sa lalaking `yan.
More or less, Cee was bound to get hurt no matter what she do. Pero kahit nasasaktan na siya, sige pa rin siya sa pagmamahal.
Wala, tanga, eh.
3 comments:
Wow... I like the teaser.. :) much more if the whole story is publish.
wow.. can't wait.. :)
Ahehehe! Salamat po! Kaya lang baka matagal pa siyang ma-release dahil may books 2-4 pa ;)
Post a Comment