Collaboration

CAMP SPEED SERIES

Camp Speed Book 1: Stuck On You
by: Nikki Karenina

“When you gave me your sweet adorable smile, I told myself that you’re worth a try. And I stand corrected, you’re worth everything.”


Mitch’s goal was to be a Formula One race driver. He was tough and determined to achieve that goal. Hindi niya iniintindi ang ibang bagay maliban sa racing.

Until he met Kaycee—ang pinakamakulit na babaeng nakilala niya. To his horror, she even called herself “Mrs. Esguerra.” At maging ang kapwa racing buddies niya ay iyon din ang tawag dito.

Ngunit wala siyang planong pansinin ito. Pero hindi niya inakala na tatraidurin siya ng kanyang isip. There was something about Kaycee that made him think of her often, hindi lang ang kakulitan nito kundi pati ang ngiti nitong nakapagpapalambot ng puso niya.

He opted to have a try with her. It worked better than he expected. Pakiramdam niya ay mas mahal na niya si Kaycee kaysa sa pangarap niya. Ngunit nang dumating ang panahong kailangan niyang pumili sa dalawa, pakiramdam niya ay nagkamali siya.

He chose his career and chose to let Kaycee go. He felt like the biggest jerk in the world. At nang handa na siyang balikan ito at itama ang pagkakamali niya’y siya naman ang ayaw nitong pansinin. Ano na ngayon ang gagawin niya?



Camp Speed Book 2: Head Over Wheels In Love
by: Skye Reyes

“Hindi naman pinipilit ang pag-ibig, hindi ba? Love will just come to you unannounced. It couldn’t be forced, measured, and taught.”


Rycoleen used to hide her curves with oversized shirts and had no interest in wearing high-heeled shoes. Hanggang sa mamalayan na lang niya ang kanyang sarili bilang isang car show model dahil sa pamimilit ng boss niya. With her new look, she caught the attention of one eligible bachelor at isang car racer na si Vonn Jones La Croix. Magmula nang araw na iyon ay hindi na ito pumapalya sa pangungulit at panunuyo sa kanya. Pinilit niyang guwardiyahan ang kanyang puso. Sumumpa siyang ayaw na niyang muling maramdaman ang nakamamatay na sakit na dulot ng pag-ibig. Kaya gumawa siya ng paraan para lumayo ito sa kanya.

`Malay ba naman niyang favorite subject pala nito ang Flirting 101? Sa isang iglap ay “head over wheels in love” na siya rito. Kagaya kasi ng isang gulong, dito na umikot ang mundo niya. Pero gaya nga ng sabi nila, “kakambal na ng nagmamahal ang sakit.” Binuhay muli ni Vonn ang puso niya para muli iyong patayin.



Camp Speed Book 3: My Stupid Heart
by: Nikki del Rosario

“Kahit sinabi ko sa sarili ko na naka-move on na ako at hindi na kita mahal, ayaw makinig ng puso ko. My stupid heart won’t stop loving you.”


Wala nang mahihiling pa si Bea. Mayroon siyang isang masayang pamilya, mga kaibigan, at isang lalaking mahal na mahal siya: si Slater. Nararamdaman na niyang ito na ang makakatuluyan niya sa hinaharap. Ngunit isang matinding pagsubok ang dumating sa buhay niya. Kailangan niyang umalis papunta sa Amerika para alagaan ang ama niyang may sakit. Relief ang una niyang naramdaman nang pumayag ito. Ang buong akala ni Bea ay magiging maayos ang relasyon nila. Ngunit nayanig ang mundo niya nang sumunod ito sa kanya sa Amerika para makipaghiwalay sa kanya.

Limang taon ang lumipas at nagdesisyon si Bea na bumalik sa Pilipinas para muling makuha ang puso ng lalaking kanyang minamahal. Maging ang galit nito ay handa niyang harapin kung ang kapalit naman niyon ay mamahalin uli siya nito. Tiniis niya ang lahat ng pagsusuplado nito sa kanya. Noong nawawalan na siya ng pag-asa na mapapaamo niya ito ay bigla naman itong bumait sa kanya. Bumalik ang nawalang pag-asa sa kanyang puso dahil sa ipinapakita nito.

Akala ni Bea ay nagtagumpay na siya sa misyon niyang muling makuha ang puso ni Slater. Ngunit nagkamali siya.



Camp Speed Book 4: Fall Into Me
by: Cady Lorenzana

Ang sabi nga nila, blessing comes to those who wait. Nahintay siya nito at natuwa siyang pareho silang nabasbasan ng blessing ng pag-ibig. She was happy he waited for her and she fell for him after that long wait.


Bata pa lang si Zia ay inis na inis na siya sa kinakapatid niyang si Keith. Kung umasta kasi ito ay para itong big brother niya at siya ang little sister nito. Daig pa nito ang magulang niya kung magbantay at magsermon sa kanya samantalang hindi naman niya hiniling dito ang mga bagay na iyon.

Ngunit lalong nadagdagan ang inis niya rito nang pagbawalan siya nitong pumunta sa Camp Speed kung saan member ito. Kulang na lang ay ipa-ban siya nito roon para hindi niya masilip ang crush niyang si Zeb Figuerroa. Iyon pa naman ang main purpose niya sa pagpunta sa Camp Speed pero sinabotahe rin siya ni Keith dahil isinumbong nito sa mommy niya ang kanyang plano.

“Ano ba’ng gusto mong gawin ko para tigilan mo na ang pang-iinis mo sa akin, Keith?”

“Gusto mo talagang malaman?” seryosong tanong nito. “Pumayag kang magpaligaw sa akin.”

Nagulat man siya sa seryosong mukha at sa sinabi nito ay hindi niya iyon ipinahalata rito, sa halip ay pinagana niya agad ang kanyang isip. Bigla siyang napangisi nang may maisip siyang kalokohan. Humalukipkip siya. “Game.”

Ngunit mukhang nagkamali siya ng desisyon dahil sa halip na ito ang maapektuhan ay nag-backfire sa kanya ang damdaming hindi niya inakalang mararamdaman niya. Hindi pa pala siya immune sa charm nito dahil nahulog na nang tuluyan ang loob niya rito.



Camp Speed Book 5: Kiss, Kiss, Fall In Love
by: Marione Ashley

“He is worth the pain and the heartaches. Ganoon naman kapag mahal mo, hindi ba? Patatawarin mo siya, tatanggapin mo uli siya, mamahalin mo pa rin siya kasi nagmamahal ka, eh.” 


Psyche Faie Macaraeg had been waiting for her true love and was saving her first kiss for him. Ang akala niya ay natagpuan na niya iyon sa katauhan ni Rance Miguel—ang kauna-unahang lalaking hinayaan niyang makalapit sa kanya. Balak na sana niyang sagutin ito kung hindi lang umeksena ang best guy friend niyang si Eros Gabriel Roxas. Basta-basta na lang nitong ninakaw sa kanya ang first kiss niya.

Pero wala sa hinagap niya na mauuwi sa isang aksidente ang kagustuhan niyang gantihan ito. Kaya nang hilingin ni Eros na maging personal nurse siya nito ay agad siyang pumayag. Ginawa niya ang tungkulin niya bilang tagapag-alaga nito ngunit hindi niya inasahan ang pagbabago ng damdamin niya para dito. Unti-unting nahuhulog ang loob niya rito. Lalo niyang napatunayan na mahal na niya ito hindi bilang Eros na best friend niya nang muli siyang halikan nito.

Kaya ganoon na lang ang tuwang naramdaman niya nang malaman niyang pareho sila ng nararamdaman nito. Nang hilingin nitong subukan nilang lumampas sa linya ng pagkakaibigan ay sinang-ayunan niya iyon. Hindi mapantayan ang sayang kanyang nararamdaman tuwing kasama niya ito. Ngunit ang inaakala niyang saya ay mapuputol din pala nang malaman niyang parte lang pala ng isang palabas ang relasyon nilang dalawa.



Camp Speed Book 6: Knew You Were Trouble
by: Nikki Karenina

Kahit kailan talaga, hindi puwedeng magkasundo ang puso at isip. The one would always outpower the other. And this time, her heart won.


Noon, ginawa ni Rodgine ang lahat para makuha ang loob ni Nick. Ngunit may girlfriend ito at kahit ano ang gawin niya ay tila walang epekto iyon dito. Pero nagkaroon din siya ng pagkakataon na maging masaya sa piling ni Nick. Iyon nga lang, natapos din agad ang saya na iyon dahil hindi naman pala sila pareho ng nararamdaman ni Nick.

Ngayon, gagawin ni Nick ang lahat para makuha uli ang loob ni Rodgine. Ngunit may asawa na ito at tila kahit ano ang gawin niya ay tila walang epekto iyon dito. Pero determinado siyang maibalik ang dating pinagsamahan nilang dalawa kahit ano pa ang mangyari. Iyon nga lang, Rodgine was deflecting everything he was doing for her.

This was the craziest charade two lovers would be into. Paano naman kaya sila magkakaroon ng happy ending kung ang noon at ngayon ay malaki pa rin ang epekto sa kanilang buhay?



Camp Speed Book 7: Just A Kiss
by: Cady Lorenzana

“Nobody is perfect. But when I am with you, everything is perfect. Iyon na lang ang isipin mo.”


Seven years ago, Karla and Zeb were friends. Pero nang ma-misplace ni Zeb ang love letter na ginawa niya para sa kapatid nitong si Zen ay naging kaaway na niya ito. Kaya nang muling pagtagpuin ang mga landas nila ay halos maputol ang leeg niya sa kakailing na makausap ito.

But she needed Zeb para sa pinakahihintay niyang promotion sa trabaho. Kapalit ng tulong nito ang isang kondisyon: kailangan niyang magtrabaho sa shop nito nang tatlong linggo. Tinanggap niya ang kagustuhan nito alang-alang sa promotion na pinakaaasam niya.

Hanggang sa may nagsabi sa kanya na huwag na niyang awayin si Zeb. Iminungkahi pa nito na gayahin niya ang kuwento ng The Princess and the Frog para magkabati sila ni Zeb. And she did.

Her life changed drastically because of the kiss she and Zeb shared. At dahil sa halik na iyon ay biglang bumait sa kanya si Zeb. Gaya ng nababasa niya sa fairy tale, parang magic na nagkatotoo sa kanila ang nangyari sa libro. Unti-unti ring nagbago ang damdamin niya rito. Napagtanto niyang mahal na niya ito. Ngunit katulad ng nangyayari ay may limitasyon din ang magic na nararamdaman niya. Dahil nalaman niyang parte pa rin pala ng pang-aasar nito sa kanya ang pagiging mabait nito. Ang masaklap sa lahat ay nalaman niyang inutos lang pala iyon kay Zeb kaya ito naging mabait sa kanya.



Camp Speed Book 8: The One Who Holds My Heart
by: Nikki Del Rosario

Kontento na siya habang yakap siya ng lalaking mahal niya at nagmamahal sa kanya. At alam niyang hindi siya mabo-bore kahit kailan basta ito ang kasama niya.


Hindi matawaran ang paghangang nararamdaman ni Akane Mishima kay Zeke Figuerroa, ang star player ng basketball team ng university nila. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang ipakilala siya ng isang kaibigan dito. Kakatwa ang mga pagkakataon na nagkikita sila ng binata. Kung hindi siya tinatamaan nito ng bola ay nababangga naman siya nito dahilan para bumagsak siya. Ngunit hindi naging hadlang ang mga insidenteng iyon para magkalayo sila. Sa halip ay naging daan pa iyon para lalo silang magkalapit sa isa’t isa. Handa na sana si Akane na aminin kay Zeke ang kanyang nararamdaman pero nakita niya itong may kahalikang babae. Dahil sa sakit ng kalooban ay pinili niyang lumayo na lang dito.

Pagkalipas ng pitong taon ay muling nagkita sina Akane at Zeke sa Camp Speed. Ngunit hindi inaasahan ni Akane na ganoon kalamig ang magiging pakikitungo nito sa kanya. May pag-asa pa kayang maibalik ni Akane ang pagmamahal na nararamdaman ni Zeke sa kanya noon kung mukhang may galit itong nararamdaman sa kanya?

0 comments:

Post a Comment