NAKA-INDIAN seat si Aivi sa gitna ng kama sa loob ng guest room dito sa bahay nila Chase. Hindi na siya pinayagang umuwi ni Chase at Chance dahil baka kung saan pa daw siya pumunta. Natuwa siya. Nagkaroon na naman kasi ng pagkakataon na makausap at makita niya kanina si Chase habang naghahapunan sila.
“Ano `yong naabutan ko sa pagitan niyo ni Kuya Chase kanina, Aivi? Magsabi ka ng totoo, hinalikan ka niya?” kunot-noong tanong ni Chance sa kanya. Nakasalampak naman ng upo ang kaibigan niya sa sahig.
Impit na tumili siya at hinawakan ang magkabilang pisngi, ramdam niya ang pamumula niyon nang maalala ang muntik nang mamagitang halik sa pagitan nila ni Chase.
“Kung hindi ka umepal, nagka-first kiss na ako, eh. Pero Chance, muntik na akong halikan ni Chase! Hindi ako makapaniwala.”
May naramdaman siyang tumama sa ulo niya. Unan pala na binato nito.
“Weh?”
“Huwag ka ngang panggulo diyan! Basta, muntik na niya akong halikan!” tila nangangarap na wika niya.
Hindi kumibo ang kaibigan niya kung kaya’t binalingan niya ito. Tila malalim ang iniisip nito. Kapagkuwan ay nagsalita din ito. “Alam ko n`ong una na kinukunsinti pa kita pero ngayon, Aivi, siguro dapat na itigil mo na `yang pagpapalipad-hangin mo kay Kuya.”
Bumaba siya sa kama at tinabihan ang kaibigan sa sahig. “Bakit?”
“Ayokong masaktan ka, Aivi.”
“I’m a big girl already, Chance. Kaya ko na ang sarili ko.”
Napabuga ng hangin si Chance at pinaningkitan siya ng mata. “Seryoso ka talaga, ha?”
Sumimangot siya. “Of course! Minsan lang ako magmamahal ng ganito, Chance. Kaya dapat lang na gawin ko ang lahat para maging masaya.”
“But what if that love will only bring you pain?”
Ang akma niyang pagtugon ay naputol dahil sa katok sa pinto. Ilang sandali ang lumipas ay bumukas iyon at inuluwa ang pigura ni Chase—ang nakatapis na pigura nito.
Literal na napanganga siya sa nakita. Tila ipinako ang mata niya sa katawan ni Chase. May mga patak pa ng tubig sa dibdib nito at may kung anong bumubulong sa kanya upang punasan iyon. Nakabuhol ang puting tuwalya sa beywang nito at kitang-kita niya ang ma-abs nitong katawan.
Ang hot, shit! Forgive me Lord for I have sinned but he’s like a walking temptation!
Naramdaman niya ang pagsiko ni Chance sa kanya dahilan ng pagkagising ng diwa niya. “Chase! What are you doing here?”
Ngumiti ang lalaki subalit tila may dumaan na pagkainis sa mata nito nang mapatingin sa katabi niya. Nakagalitan ba nito si Chance?
“Dinalhan kita ng hot chocolate. I heard that you can’t sleep without drinking this one,” anito at nilapitan siya.
Kulang na lamang ay mag-sign of the cross siya dahil sa walking temptation na ito. “Salamat. Hindi ka na sana nag-abala pa.”
Ngumiti ito at bahagyang ginulo ang buhok niya. Sunod ay iniipit nito sa likod ng tainga niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa pisngi niya. “It’s okay. I enjoyed doing this. Anyway, huwag kang magpuyat, okay? Goodnight.”
Muntik na siyang himatayin nang hinalikan siya nito ng magaan sa noo. Simpleng halik lamang iyon subalit hindi simple ang hatid niyon sa puso niya. Tila hinahabol siya ng mga demonyo sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya.
Nang mawala si Chase ay hinawakan niya ang gilid ng labi niya.
“Anong pauso `yan?” kunot-noong tanong ni Chance.
“Baka tumulo na laway ko ng hindi ko namamalayan.”
“Luka-luka!”
“Pero Chance, nagkaaway ba kayo ni Chase? Bakit hindi ka niya pinansin?”
Tinignan siya nito ng diretso sa mata at maya-maya ay nagkibit ng balikat. “I think he’s jealous.”
“Jealous of what?”
“Hmm.”
Sumimangot siya subalit kaagad din iyong nabura nang maalala ang ginawa ni Chase. Kahit gaano ka-simple ang mga bagay na ginagawa nito para sa kanya, iba pa rin ang hatid niyon sa puso niya. And no matter how many times she tried to stop her heart from expecting, she couldn’t do it.
Expecting something else from Chase was a pleasure-pain feeling. It gives her the hope to continue loving him but it also gives her the pain whenever she remembers that what she expects may not be the outcome in the end.
Hanggang kailan kaya siya lalaban?
Subscribe to:
Posts (Atom)
0 comments:
Post a Comment