HINDI MAKATULOG SI IAN ng gabing iyon. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama niya. Dapat ay natutulog na siya dahil anong petsa na pero hindi naman siya madalaw ng antok. Paano ba naman kasi’y gulung-gulo na ang kanyang utak… maging ang kanyang puso. Hanggang ngayon kasi ay naiisip pa rin niya ang naging pag-uusap nila ni Chuck kaninang hapon.
“Huwag kang masyadong manhid, hmm? Open your eyes, babe. I’m just here,” that’s what he said to her.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-recover dahil sa winikang iyon ni Chuck. Papaano ba nama’y sobrang shock talaga ang naramdaman niya dahil sa linyang iyon. Tila ba sinasabi ni Chuck na… may gusto ito sa kanya.
Baka naman nagbibiro lang si Chuck, Ian! Huwag kang ambisyosa!
Biro? Soft and gentle ang ekspresyon niya kanina tapos biro?
So anong gusto mong palabasin? Na mutual ang feelings niyo ni Chuck.
Maybe yes. Maybe no.
Napabuga na lamang siya ng hangin at itinakip sa mukha ang unan. Mukhang hindi na naman siya makakatulog ngayong gabi dahil kay Chuck. May pasok pa naman siya bukas ng maaga. Paniguradong panibagong set ng eye bag na naman ang lalabas sa ilalim ng mata niya.
“Stop invading my thoughts, Chuck! Tama na na in-invade mo ang puso ko!” kausap niya sa Teddy Bear na bigay sa kanya ni Chuck na tila ba si Chuck iyon. Palagian niyang katabi sa pagtulog ang teddy bear niyang iyon.
Napansin niya ang pag-ilaw ng cellphone niya kaya doon napabaling ang pansin niya. Almost midnight na kaya sino pang nilalang ang ko-contact sa kanya ng ganitong oras? Kinuha na niya ang aparato at binasa ang pangalan sa screen. At hayun na naman ang puso niya, tila nakikipag-karera sa sobrang bilis ng pintig niyon nang mabasa ang pangalan ni Chuck.
“Hello?” bungad niya nang pinindot ang Answer Button.
“Tulog ka na?” anito sa kabilang linya. Maging sa telepono ay masuyo ang tinig nito na tila ba ipinaghehele siya.
“Malamang gising pa ako, ‘no?” aniya kasabay ng pagngiti nang malawak dahil narinig niya ang tunog ng tawa nito mula sa kabilang linya. Sumandal pa siya sa headboard ng kama niya at niyakap ang teddy bear niya. “Napatawag ka?”
“May sasabihin kasi ako sayo.”
“Ano ‘yun?”
Wala siyang narinig na sagot mula dito. Lumipas ang ilang segundo pero wala pa rin tugon mula sa kabilang linya. Tinignan niya ang screen at naka-connect pa naman siya kay Chuck. Akmang muli siyang magsasalita nang marinig niya ang masuyo at mala-anghel na tinig ni Chuck mula sa kabilang linya.
“When I look into your sad eyes… it makes me feel for you. Because I don't see the light that was always shining through. Someone broke your heart and now it's easy to give up. I'm tellign you it’s not the end, it's not the end of love… Keep believing, baby. Because everything happens for a reason… and though tonight tears fill your eyes. Don't stop dreamin' girl, I'll be right here to lean on. You're gonna make it through… I wanna see you, keep believin'…”
Napapikit siya nang marinig ang umaawit na tinig na iyon ni Chuck. Punung-puno ng emosyon ang tinig nito habang umaawit. And knowing Chuck, kahit hindi niya ito nakikita’y alam niyang maging ang mukha nito ay punung-puno rin ng emosyon. Emosyong dumaloy sa katawan niya papunta sa kanyang puso.
Has anybody ever told you, how beautiful you truly are. How just one smile from you, can open up any heart. You deserve that too. Let somebody lift you up. You gotta know that somewhere out there, you're gonna find love…”
Nakapikit siya habang patuloy na pinapakinggan ang pag-awit ni Chuck mula sa kabilang linya. Damang-dama niya ang nais nitong ipabatid sa kanya sa tulong ng kantang inawit nito. Through the song, pinapabatid nito sa kanya na she should keep on believing.
“That’s what I want to say, Ian. Hope napagtayagaan mo ang boses kong pangbanyo ‘yon,” ani ni Chuck sa kanya nang tapos na itong kumanta.
Hindi niya namalayang may luha na palang namuo sa gilid ng mata niya. Not because she remembered something lonely. Kabaligtaran niyon. Nangilid ang luha niya dahil sa tuwa. Tuwa dahil sa ginawang ito ni Chuck. Nasiyahan siya sa ginawa nito. Simple pero tagos sa puso. Iyon ang naramdaman niya.
“T-thanks, Chuck,” aniya sa pagitan ng paggaralgal ng tinig.
“Umiiyak ka? What’s wrong?” dinig niya ang pag-aalala sa tinig nito.
“Nothing. Na-overwhelm lang ako sa kanta mo. It was really good.”
“You sure?”
“Yeah. Hundred percent sure.”
“Paano? Tulog ka na ah? May pasok ka pa bukas. Keep believing, okay? Nandyan lang ang lalaking para sayo. Just open your eyes. Goodnight.”
“Goodnight,” aniya at pinatay na ang cellphone niya.
Muli siyang bumalik sa pagkakahiga at binalikan ang lyrics ng kantang kinanta ni Chuck. Kung bibigyan niya ng kahulugan ang kanta nito at ang pahayag nito bago ito magpaalam sa kanya ay maiisip niyang ipinahihiwatig nito na may gusto ito sa kanya. Pero hindi ba’t masamang mag-assume dahil baka masaktan lamang siya? But she couldn’t help it. Lalo na ngayong nararamdaman niyang may gusto na rin kahit papaano si Chuck para sa kanya.
Bakit pa ito mag-aaksaya ng oras sa panghaharana sa kanya kung wala, hindi ba?
Nakangiting pumikit siya at unti-unti na siyang ginupo ng antok. Pero maging sa panaginip niya ay nandoon si Chuck. Si Chuck na malaki na ang naging bahagi sa kanyang puso.
0 comments:
Post a Comment