Release Date: 2013
“GRABE siya, Serenity! Saksakan ng sungit, suplado at…” hindi madugtungan ni Delany ang pagde-describe kay Drake dahil wala siyang maisip na babagay pang adjective dito.
Nandito siya sa SAI at ka-chat ang kaibigan niyang si Serenity. Kakatapos lamang niyang mag-file ng pagkarami-raming reports galing kay Drake at naisipan niyang i-YM ang kaibigan. Dito niya ibinuhos ang lahat ng frustrations niya kay Drake.
“Guwapo. Hindi ka naman magiging ganyan ka-affected kung hindi siya guwapo, eh.”
Napasimangot siya lalo pa’t nakita niya ang mapanuksong ngiti ni Serenity sa screen. “Hindi siya guwapo! Mukha siyang kampon ng kadiliman!”
Syempre ay nagsisinungaling siya. Walang taste ang magsasabing panget si Drake. Saksakan ito ng guwapo. Kaya naman noong “inakit” siya nito ay nagpaakit siya.
“Okay, hindi na guwapo. Highblood ka kaagad.”
Napalabi siya nang makitang hindi naman ito naniniwala sa kanya. “Oo na! Guwapo na siya pero nakakainis pa rin siya!”
“Computer shop ba `to, Miss Santiago?”
Nanigas siya sa pagkakaupo nang marinig ang seryoso at malamig na tinig na iyon. Nakita niya ang pagngisi ni Serenity sa screen bago nito pinutol ang video chatting nilang dalawa.
“Sir, ikaw pala,” aniya at napangiwi nang lalong tumalim ang tingin nito sa kanya.
Ang akala niya ay sesermunan pa siya nito subalit umiling lamang ito. At hindi siya nakasisiguro subalit tila may kakaibang kislap sa mata nito. Hindi kaya’t kanina pa ito nakikinig sa pag-uusap nila ni Serenity?
“Dalhin mo sa opisina ko `yung mga reports na ipinagawa ko.” anito at tumalikod na. Napahinga siya ng maluwang sa pag-aakalang wala na ito kung kaya’t nagulat siya nang marinig niyang muli ang tinig nito. “I didn’t know you find me handsome, Miss Santiago. I’m flattered.”
Napanganga siya lalo pa’t nakita niya ang tila pagngiti nito—iyong ngiting tila nang-uuyam. Gusto na niyang ipukpok sa ulo niya ang keyboard kung puwede lang.
“`Yon ba ang hindi guwapo?”
Pinaningkitan niya ng mata ang kaibigang biglang sumulpot sa screen. “Kasalanan mo `to!”
“Ikaw na Delah ang luma-lovelife!”
“Urgh!”
“YOSH! One chapter done!” wika ni Delany at pinindot ang save button. Sabado ngayon kung kaya’t wala siyang pasok sa kuweba ni Drake. Ang balak niyang maghapon na pagsusulat ay nauwi sa maghapong pag-iisip sa lalaki.
Hindi niya alam subalit sa buong durasyon ng pakikipagtitigan niya sa screen ng laptop niya, ang mukha ni Drake ang nasa isipan niya. Yes, si Drake ang ginawa niyang batayan ng hero niya dito sa nobela niya para sa series collaboration niya. Pero ang nakapagtataka ay nakikita niya ang sarili bilang heroine nito.
Aba! Anong gayuma ang ginawa sa kanya ni Drake na kahit ilang beses na niya itong inalis sa isipan niya, balik pa rin ito ng balik?
Nag-unat siya habang hinihintay mamatay ang kanyang laptop. Magdya-jogging muna siya at dadaan saglit kay Lola Waway. Baka sakaling magising ang creative juices niya kapag nag-jogging siya.
She tied her hair in a messy bun. `Ni hindi na siya nag-abala pang tignan kung ano na ba ang hitsura niya. Dire-diretso siya sa paglabas ng bahay at pagtakbo sa palibot ng subdivision nila. Hindi niya alintana kahit na ba alas sais na ng gabi.
Nang mapadaan sa bahay ni Lola Waway ay bahagyang napakunot ang noo niya nang makita ang isang kotseng nakaparada sa harapan ng bahay. Mukhang may bisita pa ang matanda.
Pumasok na siya sa loob at dumiretso sa garden sa likuran. Tila itinulos siya sa kinatatayuan nang makita ang nakatalikod na pigurang iyon. The built was so familiar to her. And the emotions swirling inside her heart was only present when that guy was near.
“Drake…”
Tila narinig naman siya ng lalaki dahil bigla itong lumingon. Nakita niya ang pagdaan nang pagkagulat sa mukha nito na kaagad din nawala. His face was void of any emotions.
Bahagya pa siyang nagtaka ng tila may naramdaman siyang kirot sa puso niya. Kung bakit ay hindi niya alam.
“What are you doing here, Miss Santiago?” buong-buo ang tinig na tanong nito sa kanya.
“Dinadalaw si Lola Waway. Akala ko kasi mag-isa lang siya. Sige, aalis na ako tutal nandito ka na naman.”
Nakatalikod na siya at akmang aalis na nang may mainit at magaspang na kamay ang pumigil sa bisig niya. Nang balingan niya ang may-ari ng kamay ay napagtanto niya kung gaano kalapit ang mukha ni Drake sa mukha niya.
Tila milyong-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan niya dahil sa simpleng paghawak nito sa bisig niya. Hindi niya maiwasang mailang sa uri ng tingin na ibinibigay nito sa kanya. Kung tignan siya nito ay iyong tila may hinahanap ito sa mata niya.
“What?”
“Don’t go.”
Kumabog nang pagkalakas-lakas ang puso niya nang marinig ang winika nitong iyon. Don’t go daw, oh. Anong pakana ito?
“Alam kong gusto kang makausap ni Lola. Maupo ka.” Hindi iyon nagsusuhestiyon kundi nag-uutos.
Hindi siya alam kung saan nanggaling ang panghihinayang na lumukob sa sistema niya nang bitawan nito ang bisig niya.
Umupo na siya sa isang bakanteng silya, iyong silyang may kalayuan sa inupuan ng lalaki. Hindi kasi siya mapalagay kapag malapit ito. Parang may nararamdaman siyang kakaiba sa loob ng puso niya.
Bahagya siyang nailang nang mapagtantong nakatitig pa rin sa kanya si Drake. His piercing eyes were looking at her like it could read her deepest fantasy.
“What?!” angil niya sa lalaki upang takpan ang pagka-ilang.
Umiling lamang ito. Hindi siya nakasisiguro kung niloloko lamang siya ng mata subalit tila umangat ng bahagya ang gilid ng labi nito.
It was as if he was… smiling.
Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. For the first time, nailang siya sa presensya ng isang lalaki. At kay Drake pa!
Nang dumating si Lola Waway ay tumayo na si Drake. “I’m going, `La.”
“Ah, sige. Mag-ingat ka, Drake.”
Nang dumaan sa gilid niya ang lalaki, hindi niya alam kung ilusyon niya lamang subalit tila hinawakan siya nito sa balikat at pinisil iyon ng marahan.
Nakasuot siya ng t-shirt subalit tila tumagos sa kailaliman niya ang init na hatid ng palad nito.
“See you on Monday, Miss Santiago. Don’t be late.”
And right there and then, she could feel that something was bound to change on her life and on her heart as well.
And it was because of Drake. Naka! Mukhang nagkakagusto na talaga siya sa bampirang `to!
0 comments:
Post a Comment