Excerpt- Eros and Psyche

Camp Speed Book 5
Release Date: 2013


“POSSESSIVE talaga `yang si Keith.”

“Sinabi mo pa, Zeke. Nakakangilo.”

Hindi na lamang kumibo si Gabby sa mga kumento ng mga kaibigan sa kakaalis lamang nilang kaibigan na si Keith. Isa si Keith sa limang nangulelat sa Patron Race. Ang pinag-uusapan nila ay ang pagiging possessive ni Keith sa girlfriend nitong si Zia.

Ngayon ay nasa Camp Speed siya kasama si Psyche Faie para sa “check-up” niya. Gusto na niyang ma-guilty sa mga pinaggagagawa niyang kalokohan pero hindi naman niya magawang huminto dahil ito lamang ang naisip niyang paraan para hindi umalis sa tabi niya ang babae.

Si Psyche Faie ay kasalukuyang nasa clinic at kausap si Doc. Alyssa. Hindi na siya naka-wheelchair ngayon dahil unti-unti nang “gumagaling” ang binti niya. Naka-saklay na lamang siya.

“Mas matindi pagiging possessive nitong isang `to,” turo sa kanya ni Zeke.

“I’m just protecting her,” defensive na aniya. Para maging ganap na matagumpay ang ginawa niyang plano noong nakaraang Patron Race ay nanghingi siya ng tulong sa mga ito kung kaya’t alam nito ang ginawa niyang “kalokohan.”

“Protecting my ass. You just want her for yourself, Gabby. I can’t blame you. Psyche is beautiful,” ani naman ni Zen.

Pakiramdam niya ay may pumitik sa ulo niya nang marinig ang paghanga sa boses nito. Simula pa noon ay hindi na niya nagugustuhan kapag may ibang lalaki ang nagkakagusto o tumitingin kay Psyche Faie.

“Back off, Zen!” angil niya sa lalaki. Kung nakamamatay lamang ang tingin, marahil ay kanina pa ito bumulagta sa sahig.

Itinaas nito ang magkabilang kamay. “I understand you completely, Pare. Wala eh, in love ka.”

“I’m not in love!” tanggi niya.

“Okay. Sinabi mo, eh.”

Bago pa man siya makasagot ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Paglingon niya ay bumungad sa kanya ang pigura ni Psyche Faie. Psyche Faie indeed looks like a fairy. May kaliitan kasi ito na binagayan ng mala-puso nitong mukha. She has a pair of black-rounded eyes that seems so innocent yet lively. She has a cute button nose and a pair of red and luscious lips.

He remembered the second kiss he gave her. Hindi na kasi niya napigilan pa ang sarili kung kaya’t nahalikan niya ito. He was just a man and she was sitting on his lap that time. Idagdag pa na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito sa kanya noong araw na iyon.

She wanting them to be the best of friends again.

Pagkatapos ng lahat ng planong nagawa niya, babalik sila sa pagiging magkaibigan lamang? Hell, no!

He will now admit fully that he likes Psyche Faie. Like is an understatement. Basta, hindi lamang isang kaibigan ang tingin niya dito since he doesn’t know when.

“Hi, Psyche!”

Kunot ang noong napabaling si Gabby kay Zen na siyang bumati sa dalaga. Mas lalong napakunot ang noo niya nang bigla nitong inakbayan ang dalaga. Kailan pa naging close ang dalawang ito? Ang natatandaan niyang una’t huling pagkikita ng dalawa ay noong Patron Race pa.

“How’s my girl? Pinapahirapan ka ba ni Gabby?”

My girl? Namumuro na `tong si Zen, ha!

Akmang tatayo siya nang maalala ang saklay. Kaagad niyang inipit iyon sa kili-kili at pabalyang lumapit kina Psyche Faie at Zen. Tinampal niya ang kamay ni Zen sa balikat ni Psyche Faie. He wrapped his arms around Psyche’s waist and gently kissed her cheek. Isang nagbababalang tingin ang ibinigay niya kay Zen.

“She’s mine, Zen. Back off!” aniya.

Napangiti siya ng lihim nang maramdaman ang pagsandal ni Psyche Faie sa dibdib niya. He could see the goose bumbs on her skin.

“Mas possessive pa nga kay Keith,” nakangising ani Zen at nakipag-high five sa ka-triplets nitong si Zeke.

“You can now let me go, Gabby. At anong sa `yo ako? Neknek mo,” ani Psyche at bahagyang tinampal ang braso niyang nakapulupot sa beywang nito pero hindi naman ito gumawa ng paraan para makakawala sa magaan niyang pagkakayakap nito.

“Nah. I kinda like this position,” aniya at itinaas-taas ang magkabilang-kilay.

Pinagtaasan siya nito ng kilay. Her eyes were twinkling with mischief. “Oh, is that so?”

“Yes. Pero may isa pang posisyon na mas gusto ko.”

Namula ang pisngi nito kung kaya’t nginisihan niya ito ng nakakaloko. There was no doubt that she was thinking of something else.

“Ano naman aber?”

Hinawakan niya ito sa kamay. He entwined their hands and he could not deny the tingling sensation he felt while holding her small hand.

“This,” aniya at itinaas ang magkahugpong nilang kamay. “Para hindi ka mawala sa tabi ko. Para diyan ka lang. Hindi sa harapan ko, hindi sa likod ko at lalong hindi sa tabi ng ibang lalaki.”

Namula ang pisngi nito kasabay ng puswitan ng mga kaibigan niya.

Ah. He won’t ever get tired of looking at her red cheeks. He won’t ever get tired and he won’t ever get bored when he’s with her.

0 comments:

Post a Comment