Excerpt- Guji and Jill

Release Date: 2012


MAY PAGMAMADALI sa lakad ni Jill habang tinatahak ang daan papunta sa University Canteen. Pinauna na niya si Guji doon dahil pinatawag pa siya ng presidente ng LRB. Pinag-uusapan kasi nila ang gagawin para sa nalalapit na foundation day ng SVU. Mabilis ang lakad niya dahil hindi na siya makapaghintay na makasama at makita si Guji.
   
When she realized she’s in love with him, natuwa siya. Finally, naramdaman din niya kung papaano ang magmahal. Subalit kasabay niyon ay ang paglukob ng lungkot at takot sa puso niya. Lungkot dahil walang katugon ang damdaming ito at takot dahil baka masira ang papausbong pa lamang na pagkakaibigan sa pagitan nila ni Guji.
   
Hindi niya alam kung papaanong nangyari subalit tila biglang nag-iba si Guji after that scene at the Gym. Yes, he’s still brooding and serious oftentimes but mostly—lalo na kapag siya lamang ang kasama nito—ay maaliwalas na ang mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang nagbago o kung ano ang dahilan ng pagbabago ni Guji. Subalit kung anuman iyon ay masaya siya para sa lalaki. She could feel that he’s slowly coming out of his shell.
   
Pagkapasok na pagkapasok niya sa canteen ay kaagad na namataan niya si Guji na mag-isang nakapuwesto sa pangdalawahang mesa. Kaagad na nilapitan niya ang lalaki at nang tumutok sa kanya ang mata nito, biglang kumislap ang mata nito.
   
“Binili na kita ng pagkain,” bungad nito pagkaupong-pagkaupo niya sa tapat nito.
   
Nginitian niya nang pagkatamis-tamis ang lalaki. “Thank you.”
   
Nag-umpisa silang kumain ng tahimik at panaka-naka niyang sinusulyapan ang lalaki. Sa mga pagkakataong sinusulyapan niya ito ay nagtatagpo ang paningin nilang dalawa na dahilan ng pamumula ng kanyang pisngi.
   
Pero hindi niya ako mahuhuling tinitignan siya kung hindi niya rin ako tinitignan, di ba? Wee ang haba ng hair ko!
   
Biglang lumagpas ang tingin niya kay Guji at nakita niya sa table hindi kalayuan sa pwesto nila ang kaibigan nitong si Reus kasama ang isang magandang babae. When she looked at the girl, she noticed her staring at Guji with love on her eyes. Binalot ng selos ang kanyang puso dahil doon subalit kaagad din niyang iwinaksi iyon.
   
There’s a side of Guji that I could feel he’s showing just for me. Ambisyosa na kung ambisyosa basta `yan ang pakiramdam ko. Kuha mo?
   
“Sino bang tinitignan mo?”
   
Binalingan niya si Guji nang marinig ang tinig nito. “`Yung friend mo, si Reus. Ayon siya oh. May kasamang girl.”
   
Kumunot ang noo ni Guji at tinignan siya ng diretso sa mata. “Huwag mong intindihin ang isang iyon. Kumain ka ng kumain diyan,” utos nito na tila isang hari pero para sa kanya ay tila isa itong nagagalit na boyfriend.
   
Boyfriend mo naman siya, ah? Peke nga lang.
     
Epal.
   
Sumubo na siya ng pagkain at bigla siyang napasinghap nang biglang dumukwang si Guji at ipinunas ang daliri nito sa gilid ng kanyang bibig.
   
“Kalat kumain. Bata?” anito at bahagyang pinisil ang kanyang ilong. Gentleness she’s not used to see on his eyes were present there.
 
At heto na naman po ang puso niya. Tila malalaglag na sa kinalalagyan dahil sa simpleng ginawang iyon ni Guji. Ano bang ginagawa nito sa kanya? Mahal na niya ito pero lalo pa itong napapamahal sa kanya.
   
Ano ba heart? Be still, pwede?

0 comments:

Post a Comment