Excerpt- Jerome and Cher

K.R.Y. Trilogy III
Release Date: 2013


NAKAHALUKIPKIP si Cheryll habang nakatingin sa pigura ni Jerome. Pinanatili niyang seryoso ang ekspresyon ng mukha kahit sa loob-loob niya ay marami siyang tanong.

“What are you doing here?!”

Prenteng sumandal ang lalaki sa mahabang sofa at nagawa pa siyang ngisihan. “Nagbabakasyon.”

“Umalis ka na! Hindi ka puwede dito!”

“Says who?” nakataas ang kilay na anito.

“Says me, moron!” asik niya.

“Oh. Ikaw pala ang may-ari nitong isla? Nice one, my Cher. Ang yaman mo na.”

Pilit niyang iwinaksi ang tila init na dumaan sa puso niya nang marinig ang palayaw niya mula sa bibig nito.

My Cher.

“Don’t call me that, you pig! Doon ka sa town proper tumuloy, huwag dito!” kulang na lamang ay ibato niya sa lalaki ang unan na hawak-hawak.

Muli ay nginisihan lamang siya nito. Naiinis na binato niya dito ang throw pillow sa kanyang tabi. Sapul ito sa mukha.

“Ouch. Why did you do that?”

“Gusto ko lang. Bawal?”

Imbes na maasar ay tumawa lamang ang lalaki dahilan nang lalong pagkainis niya dito. Hindi niya alam kung bakit inis na inis siya pagkakita kay Jerome.

Dahil basta-basta na lamang siyang pumasok sa bathroom kanina!

Iyon lamang ba?

I’m over him already!

Hindi naman iyon ang tinutukoy ko, eh.

Natameme siya at pilit pinigilan ang pagbabalik-tanaw. Hindi niya gustong alalahanin pa ang naging pagkakamali niya pitong taon na ang nakalipas. Hindi niya gustong balikan pa ang nangyari noon dahil nakalipas na iyon, dahil naka-move on na siya mula doon. It’s all in the past now. Nang dahil doon kung kaya’t naging ganito siya ngayon—more independent, more confident and stronger.

“Whatever.”

Kumislap ang mata nito dahilan ng pagtibok ng mabilis ng puso niya. “Isn’t this fate, Cher? Pinaglalapit tayong ulit. Maybe because fate wants us to renew our love story—“

“Manigas ka! As if papatol ako sa kagaya mo. Magsama kayo ng “fate” mo.” aniya at nang walang narinig na tugon sa lalaki ay tinalikuran na niya ito at umakyat sa silid niya.

Pabagsak siyang humiga sa kama habang ang isipan ay nasa lalaki pa rin. Pumikit na lamang siya ng mariin upang iwaksi sa isipan si Jerome subalit patuloy pa rin umuukit sa isipan niya ang mukha nito. Napahawak siya sa tapat ng dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.

Wala halos ipinagbago ang lalaki. The seven years that had passed did him good. Mas gumuwapo ito at tumangkad. But that’s all. Sa tingin niya ay ito pa rin ang Jerome na nakilala niya pitong taon na ang nakalilipas.

Iyong Jerome Kim na walang ibang inisip kundi ang sarili nito, ang pangarap nito.

She heaved a sigh when she felt something heavy on her heart. Itutulog na lang niya ito. Baka paggising niya ay wala na si Jerome Kim. Mas maaga itong mawala sa paligid niya, mas mabuti.

0 comments:

Post a Comment