NAPABUNTONG-HININGA si Airin habang naglalakad sa corridor ng Main Building dito sa Saint Vincent. Palinga-linga rin siya habang naglalakad, iniiwasan kasi niya na magtagpo ang landas nila ni Alessandro. Simula kasi n’ong araw na hinimatay siya dahil sa kagulat-gulat nitong proposal which was two days ago, ginagawa na niya ang lahat para maiwasan ito. Nahihiya kasi siyang harapin si Les dahil baka kung ano na ang naisip nito patungkol sa kanya.
Sino ba naman kasing matinong babae ang bigla na lamang hihimatayin dahil lamang sa joke proposal na iyon?
Syempre, siya lang. Really, she’s really dumb and... dumb!
“Tanga ka kasi Airin! Tignan mo ngayon, hindi ka pa nakaka-first base, tsugi ka agad,” mahinang wika niya sa sarili at napailing pa ng bahagya.
“At last I found you, Airin.”
Marahas na nilingon niya ang pinagmulan ng tinig na iyon at nakita niyang nakatayo hindi kalayuan sa kinatatayuan niya si Les. Nakatingin ito ng mataman sa kanya habang unti-unti siyang nilalapitan.
Ramdam niya ang pagtakas ng kulay sa mukha niya habang nakatingin kay Les. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin sa lalaki. Magpapaliwanag ba muna siya kung bakit siya hinimatay o ipapaliwanag niya kung bakit niya ito iniiwasan?
She didn’t know what to do anymore!
“Airin, can you tell me what’s wrong? Ginawa ko naman ang lahat para patunayan sayo na ikaw ang mahal ko, ginawa ko ang lahat para ipakita iyon. Ano pa ba ang kulang? Tell me and I’ll do it just to prove that I truly love you,” buong pagsuyong wika ni Les ng mapatapat sa kanya. Kasunod pa niyon ay ang pagluhod nito sa harapan niya.
What’s going on here?!
“Les—“
“Let me explain Airin. Please. I really love you. Sa lahat ng babaeng nagdaan sa buhay ko, sayo ko lang naramdaman ito.” kasabay n’on ay itinuro nito ang tapat ng puso nito. “Ikaw na lang ang sinisigaw ng puso ko. Say you’ll love me too, Airin.”
Kumabog ng paglakas-lakas ang puso niya at sa palagay pa nga niya ay bigla na lamang matatanggal sa kinalulugaran ang puso niya. Ganoon kalakas ang epekto sa kanya ng mga katagang binanggit ni Les.
Akmang ngingiti na siya dahil sa biglaang pagtatapat nito nang mapansin niya mula sa sulok ng mata niya ang pigura ni Heidi katabi si Charlie. And right there and then, alam na niya ang dahilan ng pagluhod at pag-i-speech ni Les sa harapan niya. It’s because of Heidi.
She felt a slight pang on her chest because of that thought. Bakit ba kasi naisip pa niyang kaya biglang ‘nagtapat’ si Les ay dahil mahal siya nito? Eh kakakilala pa lamang sa kanya nito the other day.
Nagpakawala siya ng hangin para paluwagin ang dibdib at nginitian si Les. “Okay Les, I’ll say it now. I love you, too.”
Ito na siguro ang pagkakataong hinihintay niya para magawa ang plano niya, ang planong paibigin sa kanya si Les.
Subscribe to:
Posts (Atom)
0 comments:
Post a Comment