Excerpt- Light and Ice

Release Date: 2013


PUPUNGAS-PUNGAS na pumunta sa kusina si Ice. Ang akala niya ay mahihirapan siyang makatulog dahil walang aircon sa silid na tinutuluyan niya subalit mali siya. Napasarap pa nga ang tulog niya hatid ng hangin mula sa labas. Iniwan kasi niyang bukas ang bintana.

Pagkarating ng kusina ay ang nakatalikod na pigura ni Light ang bumungad sa kanya. Correction. Ang walang pang-itaas na pigura ni Light ang bumungad sa kanya. Nakaharap ito sa kalan at nagluluto. Masarap tignan ang pagiging domestic nito. She realized that a man who knows how to cook seems so… hot.

Tila kay tatag at kay lakas ng likuran nito. He has a wide shoulder and she knows it will be nice to lean on it. Habang nagluluto ito ay naghihiyawan ang mga muscles nito sa likuran. Inilagay niya ang magkabilang kamay sa likuran at pinagsalikop iyon.

Sa takbo ng isip niya, hindi malayong bigla niyang mahaplos ang likuran ni Light.

“Can’t get enough of me, Ice? Damang-dama ko ang init ng titig mo. Mas mainit pa sa apoy galing dito sa kalan.”

Pinaningkitan niya ito ng mata. Nakatalikod ito sa kanya at alam niyang walang ingay ang paglapit niya sa kusina kung kaya’t papaano nitong nalaman na nandoon siya at tinititigan ito?

“I can feel your hot stares, Ice.”

Namumula ang pisngi na pabagsak siyang umupo sa upuan sa harap ng mesa. Tila dining area na rin ang kusina. “Whatever, Light. Masyado kang mayabang.”

“Mayabang na pala ang pagsasabi ng totoo.”

“Whatever again. Ano'ng almusal?”

Hinarap siya nito. Hindi niya maiwasang matawa nang mapansin ang design ng apron na suot-suot nito.

“Really, Light. Patrick the starfish?”

Imbes na mapahiya ay lumiyad pa ito. “This is cool. And it was a gift.”

Ngayon tuluyang nag-sink in sa isip niya ang anyo nito. May pawis na namumuo sa leeg nito dahil marahil sa pagharap sa kalan. She should be grossed out but he found him sexy still.

Idagdag pa ang apron na nakapatong sa hubad nitong katawan.

Hindi yata maganda sa katawan niya ang pagtira dito sa Mills Farm kasama ni Light. Baka bigla siyang ma-heat stroke dahil sa hotness ni Light!

“You’re drooling.”

Kaagad niyang itinakip ang magkabilang kamay sa bibig. Nang magtawa ito ay saka niya napagtantong niloloko lamang siya nito.

Bago pa man niya masinghalan ang lalaki ay inilapag na nito sa mesa ang almusal. Sinangag, longganisa at isda na hindi niya alam ang tawag ang iniluto nito.

“Sorry, princess. `Eto lang ang kaya kong ihanda sa `yo.”

Binigyan siya nito ng plato subalit walang inabot na kubyertos.

“Spoon and fork, please.”

Ngumisi ito at umupo sa bakanteng silya sa tapat niya. Nilagyan nito ng kanin at ulam ang pinggan niya bago nilagyan ang sarili nitong pinggan. “Mas masarap kainin ang mga iyan ng nakakamay. Like this.”

Pinagmasdan niya ang pagkain nito. Napatutok ang pansin niya sa leeg nito. The way his adam’s apple move while he was chewing seems so sexy to her. Bakit parang lahat na lamang ng kilos ng lalaki ay sexy sa paningin niya?!

“Hindi ka ba muna magsusuot ng pang-itaas?”

He smirked. “Naaasiwa ka ba?”

Inirapan niya ito. “Hindi `no!” Upang pagtakpan ang pamumula ng pisngi ay binalingan niya ang pagkain. Ginaya niya si Light at sumubo gamit ang mga daliri. Kinagatan din niya ang isdang hindi niya kilala. “This is good! Anong isda ito?”

Hindi sumagot si Light kung kaya’t binalingan niya ito. Nakatitig lamang ito sa kanya ng mataman. Nahihiyang isinubo niya ang hintuturo at iyuko ang pinggan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nailang siya sa tingin lamang ng isang lalaki.

Tumikhim si Light. “Danggit `yan.”

Tumango na lamang siya. “Masarap.”

“Mukha nga. Pagkatapos pala natin kumain ay kailangan natin mag-usap.”

“Tungkol saan?”

“Sa `yo at kung bakit ka nandito.”

Napabuga siya ng hangin. “Okay.” Sumubo siya ulit. Nang marinig ang pag-ungol ni Light ay nagtatakang binalingan niya ito. “Bakit?”

“Nothing.”

Nagkibit na lamang siya ng balikat.

0 comments:

Post a Comment