HINDI maiwasang sundan ng tingin ni Mac si Joanne habang abala ito sa pagluluto ng almusal. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at humalukipkip. Simple lamang ang hitsura nito ngayon. Magulo ang pagkakatali ng buhok, simpleng puting sando at short shorts ang suot. Nakayapak ito. Subalit habang tinitignan niya ito, lalo itong gumaganda sa paningin niya.
“They said saying goodbyes are painful. But I didn’t even have the time to feel that…”
Kilala niya ang kantang kinakanta ni Joanne. It was his song, Seven Years Of Love. Isa iyong sikat na kanta sa Korea na kinanta niya sa isa nilang concert sa Korea. Siya ang kauna-unahang kumanta ng kantang iyon sa wikang Ingles.
“At first friends then next as lovers—Mac! Kanina ka pa diyan?” gulat na ani Joanne sa kanya nang mapansin siya nito.
Bahagya siyang napangiti lalo pa nang makita ang bahagyang pamumula ng pisngi nito. Grabeng pagpipigil ang ginagawa niya upang hindi ito lapitan at haplusin ang pisngi nito.
“Hanggang ngayon pala, pang-lupa pa rin ang boses mo.”
Sinimangutan siya nito subalit nakita naman niya ang kakaibang kislap sa mata nito. “Sorry naman! Hindi ko lang nahasa masyado ang singing voice ko.”
Umupo siya sa isang stool at pinagmasdan ang pagluluto ni Joanne. “Want me to help you?”
Ngumisi ito. “No thanks. Alam kong hindi ka marunong magluto.” Ngumiwi ito. “The noodles you made for me seven years ago were still clear in my head.”
Napahalakhak siya. He suddenly felt nostalgic. “Cooking hates me.”
“And so was dancing.”
Napamulagat siya sa babae. “How did you know?”
Nagkibit ito ng balikat. “Siguro dahil meron akong mga album niyo?”
Hindi siya kaagad nakakibo. Sa sobrang dami ng tanong ng umiikot sa utak niya, hindi niya alam kung ano ang uunahin. Hanggang sa marinig niya ang pagmumura ni Joanne at ang tila pagbagsak ng kung anong gamit.
Dali-dali siyang tumayo at nilapitan ito. “What happened?” Nang makita ang namumula nitong palad ay kaagad niya iyong ginagap.
“Nakalimutan kong magsuot ng pot holder, eh.” Winasiwas nito ang kamay nito subalit hindi niya iyon binitawan. “Ayos lang ako. Wala `to.”
Hindi niya pinansin ang babae at dinala ang kamay nito sa may tapat ng gripo.
“Mac…”
“Just shup up,” pabirong angil niya sa babae upang pagtakpan ang bahagyang kaba dahil sa maliit na aksidenteng ito.
Habang nakatingin sa kamay nitong hawak-hawak niya, hindi niya maiwasang maalala ang naramdaman ng mahawakan ang kamay nito. Tila may kuryenteng dumaloy doon.
Nang mapatingin kay Joanne, napagtanto niya kung gaano kalapit ang mukha nito sa mukha niya. Sa pagkakahawak din niya sa babae, tila ba yakap-yakap niya ito mula sa likuran.
Kaunting baba lamang ng mukha niya ay maaari nang maglapat ang labi nilang dalawa.
His hand that was holding her arm moved slowly into her waist. He couldn’t take his eyes off her. His hand lingered on her waist and he could feel the softness of her body.
Bahagyang nakabuka ang bibig nito. The temptation was there and was suffocating him. The urge to kiss her was killing him.
“Mac…”
Nanigas siya sa kinatatayuan nang marinig ang mabining tinig nito. Tila napasong binitawan niya ang pagkakahawak sa kamay at beywang nito.
Mabilis na lumayo siya sa babae at marahas na hinagod ang buhok.
Damn it! But having her inside his arms feel so right though he knows it is wrong.
“I’ll check on Missy.”
Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng kusina. Alam niyang kapag nagtagal pa siya doon ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili niya at ikulong ang babae sa loob ng kanyang bisig.
Damn but that’s what he wanted to do right now. Especially when he realized how much he missed hugging and kissing her.
But he has no right anymore.
Pag-aari na ito ng iba. Iyon ang paulit-ulit niyang isinusuksok sa kukote niya. Pero pasaway ang puso niya. Ayaw makinig.
TUTOK ang pansin ni Joanne habang nagbabasa ng isang bagong sulpot na article sa isang Korean site. Dahil marunong bumasa ng Hanggul, hindi na niya kailangan pa ang tulong ni pareng Google Translate.
Nasa loob siya ng silid niya at nagla-laptop habang natutulog sa kama niya si Missy. Napagod marahil ang bubuwit na ito kakalangoy nila sa beach kanina kasama ni Mac. Na-miss niyang magbasa ng articles tungkol sa Sapphire Blue. Halos tatlong linggo din siyang walang balita dito.
“Prince Yun, manager of the infamous band Sapphire Blue has been secretly engaged four years ago to a certain Miss Quinzel Choi, the said to be younger sister of our very own, Andrew Choi.”
Ang Andrew Choi na tinutukoy sa article ay isa rin miyembro ng Sapphire Blue.
Ipinagpatuloy niya ang pag-i-scroll at pagbabasa ng article hanggang sa mahagip ng mata niya ang pangalan ni Mac.
“Famous K.R.Y. members, Missing In Action?!” mahinang basa niya. Pinindot niya ang link para mabasa ang kabuuang balita. Nanlaki ang mata niya sa nabasa. Ang buong akala niya ay dahil gustong magbakasyon ng K.R.Y. kaya nandito sa Pilipinas ang tatlo. Iyon pala’y puwersahan ang pagbabakasyon ng mga ito.
Nakasaad sa balita na nakitaan daw ng drugs sa loob ng apartment ng K.R.Y. Pagkatapos lumabas ng balitang iyon ay kaagad na nawalang parang bula ang K.R.Y. sa Korea.
“Frame-up lang `to!” nanggigigil na aniya nang mabasa ang kabuuan ng balita. “There’s no way Mac will use drugs! Less of all, sell them!”
“Glad to know you don’t believe that news, then.”
Pabagsak na isinara niya ang laptop. Kagat ang ibabang labi na binalingan niya ang nakahalukipkip na si Mac. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan ng kwarto niya.
“Ang sexy mo para isipin nagda-drugs ka—Oops!” naitakip niya sa bibig ang magkabilang kamay. “Kunwari wala ka na lang narinig.”
Umiiling-iling na tumawa ito. Pumasok na ito ng tuluyan sa silid niya at umupo sa pang-isahang upuan sa may sulok. “Nakakabasa ka ng Hanggul?”
Tumango siya. “Kaya ba talaga kayo nandito sa Pilipinas dahil pinilit kayong mag-lielow muna?”
“Yeah.”
Ang durog-durog niyang puso ay lalong nagkandadurog nang marinig ang sagot nito. The single ray of hope on her heart that kept on thinking that he went home here at the Philippines for her vanished when she heard his response. Kung hindi pa marahil sa issue na ito, hinding-hindi na tatapak sa Pilipinas si Mac.
Aray…
“Nahuli na nila ang nag-frame-up sa amin bago pa man kumalat ang balitang iyan, kung tutuusin. Hindi namin alam kung sino ang nagkalat sa media ng tungkol sa drug issue. Miyembro ng Summit Entertainment ang nag-frame up sa amin at huling-huli iyon sa surveillance camera subalit hindi magawang ipahayag iyon ng Summit dahil alaga nila ang nag-frame up sa amin. Walang choice ang management kundi palayuin na lang muna kami sa mata ng media sa Korea. Manager Yun then decided to throw us here at the Philippines since wala gaanong nakakakilala sa amin dito.” The smile that appeared on his lips when he looked at her was so sexy and so… soft at the same time. “Hindi ko naman alam na stalker ka pala namin.” A soft chuckle escaped from his lips.
She huffed. “Hindi ako stalker! Magaganda lang kasi kanta niyo kaya ko alam!”
“Fine.”
She scowled at him though deep inside, she felt somehow happy to learn that he trusted her with this information.
“Gusto mong maglakad-lakad muna, Mac?” tanong niya sa lalaki. Mag-a-ala-sais na kung kaya’t wala ng araw. Tamang oras para mag-ikot-ikot.
Hindi kaagad ito sumagot at tila malalim ang iniisip. Paglipas ng ilang minuto ay ngumiti ito. “Sure.”
Tahimik na sinabayan niya sa paglalakad si Mac. Muli, ang bilog na bilog na buwan ang gabay nila. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na hilig silang panoorin ng buwan. Papaano’y palagi iyong nandoon tuwing magkasama sila.
“Ang tahimik dito, `no? Siguro naninibago ka,” putol niya sa nakabibinging katahimikan sa pagitan nila ng lalaki.
Huminto ito sa paglalakad. Ginaya niya ito subalit huminto siya ilang hakbang ang layo dito. Ang tingin nito ay lagpas-lagpasan sa dagat habang siya’t nakatitig dito.
“I love the peacefulness here. Kung papipiliin ako, mas gusto kong tumira dito kaysa sa magulong siyudad.”
Then let’s live here. Kahit saan gugustuhin kong tumira basta’t kasama kita. “Kaya mong iwanan ang limelight mo?”
Hindi siya namamalik-mata nang makita niya ang pagdaan ng sakit at pait sa mata nito. Tila ba may sumaksak na punyal sa puso niya nang makita ang paghihirap sa mata ng lalaking mahal niya.
“Muntik ko nang iwan ang limelight na sinasabi mo three years ago for this certain person, for this certain
dream of living in a peaceful place. Sadly, it was already too late for the fulfillment of that dream.”
Dinig din niya sa tinig nito ang paghihirap nito. Gusto niyang isigaw sa lalaki na nandito naman siya, handa itong mahalin at makasama kahit saan pa. Pero mukhang sarado na ang isip at puso nito para sa kanya.
Ang swerte ng babaeng mahal mo, Mac. Ang swerte niya. Sana ako na lang siya.
Inalis niya ang agwat sa pagitan nila at walang pagdadalawang-isip na ginagap ang kamay nito. Pinisil niya iyon ng mahigpit subalit hindi sa masakit na paraan.
Nginitian niya si Mac. “You can still be happy again, Mac.”
“I don’t know about that.”
Yumuko siya upang hindi nito makita ang labis na sakit sa mukha niya. Yumuko din siya upang itago ang luha sa kanyang mata.
“Nandito pa naman ako,” halos pabulong na aniya.
“What?”
Huminga siya ng malalim at umiling. “Nothing.” Umupo siya sa buhanginan at hinaltak paupo sa tabi niya ang lalaki. “Upo muna tayo, Mac.”
Umupo ito sa tabi niya. Hindi marahil nito napansin na hawak pa rin niya ang kamay nito. Natatakot siyang pakawalan ang kamay nito dahil alam niyang siya lamang ang humahawak. Sa oras na bitawan niya ito, wala nang magdudugtong sa kanilang dalawa.
Pumikit siya at walang salitang sumandig sa balikat ni Mac—just like how she used to do seven years ago.
“Joanne…”
Hindi siya kumibo at nagkunwaring nakatulog na. Alam niyang sa oras na malaman nitong gising siya ay aalisin lamang nito ang ulo niya sa dibdib nito. Muntik na siyang mapaluha nang maramdaman ang pagpulupot at pagsuporta ng braso nito sa beywang niya upang hindi siya matumba.
Nang maramdaman ang dahan-dahan nitong paghaplos sa beywang niya, tila unti-unti na rin siyang hinahatak ng antok. At bago tuluyang makatulog, tila naramdaman pa niya ang magaan nitong paghalik sa tuktok ng ulo niya.
Ah, wishful thinking.
Subscribe to:
Posts (Atom)
0 comments:
Post a Comment