“SO, ano ang pinag-usapan niyo ni Kuya Milo kanina sa terrace bago ako pumunta doon?”
Nilingon ni Gail ang nagtanong na iyon na si Mico. Nasa kotse na sila ng huli. Inihahatid na siya nito sa bahay nila. Noong una ay tahimik lamang sila. No talks, no jokes. Just silence. The only thing to be heard was the sound coming from the stereo on his car. Pero wala namang tensyong nakapalibot sa kanilang dalawa. In fact, the silence between them was comfortable. Maybe because the guy beside her was Mico, her friend and the apple of her eyes.
“Wala naman. Mostly, ikaw ang pinag-usapan namin.” Or to be specific, ang feelings ko para sayo.
“Really? Hindi siguro naging boring ang usapan niyo. Ako ba naman ang topic eh,” anito at bahagya siyang sinulyapan, subalit agad din nitong ibinalik ang pansin sa pagda-drive.
“Ang yabang mo, Panget.”
“Nahawa lang ako sayo, Panget,” anito at tumawa.
Hindi niya napigilan ang sarili at tumawa na rin siya. Nakakahawa talaga ang saya at galak sa mukha ng isang ito. Whenever he’s laughing, she couldn’t help but laugh too. Hindi nga niya alam kung ang nararamdaman niya kay Mico ay simpleng atraksyon lamang ba o mas malala na. Like love or something. But she’s not sure of it. Hindi pa siya na-i-inlove so hindi niya alam ang pakiramdam ng in love. Pero kung makakapili siya ng lalaking mamahalin, si Mico ang pipiliin niya. Because he’s deserving to be love.
“I’m not my brother, Gail,” pukaw ni Mico sa kanya. Hindi niya namalayang napahinto na siya sa pagtawa at napatitig sa lalaki.
Nginitian niya ng masuyo si Mico. “I know.”
“Then... T-then why are you looking at me like... L-like you like m-me?”
Napangiti siya at hindi niya napigilan ang sarili at bahagyang ginulo ang buhok ni Mico gaya ng ginagawa nito sa kanya palagi. He’s really cute when he’s losing his composure. He even stuttered! Idagdag pa ang bahagyang pamumula ng mukha nito. Bihira na lang sa lalaki ang nagba-blush. At isa pa pala si Mico sa mga lalaking iyon.
“What’s not to like with you, Michael Oliver?” Muntik na siyang mapasubsob sa dashboard dahil sa biglaang pagpreno ng sinasakyan nila. “Hey—“ napatigil ang iba pa niyang sasabihin nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Mico. He was looking at her with so much confusion on his face.
But there’s an emotion lying on his eyes. Emotion that she doesn’t understand why was written in there. Hope. Why hope? And hope for what?
“You really know how to comfort me, eh?” anito kapagkuwan at pinaandar na ang sasakyan.
“What are you talking about?”
“Nothing.”
Nagkibit na lamang siya ng balikat at itinutok ang pansin sa pag-iisip sa plano niya. Idagdag pa ang pag-aanalisa sa damdamin niya. If she’s just liking him or maybe falling in love with him.
Subscribe to:
Posts (Atom)
0 comments:
Post a Comment