Excerpt- Milo and Kitkat

Release Date: 2012


UNTI-UNTING iminulat ni Kat ang kanyang mata. Muntik na siyang mapabalikwas ng bangon nang masilayan ang hindi pamilyar na silid na kinalalagyan niya. Huminga siya ng malalim at pinapayapa ang dibdib dahil tila bigla siyang nahirapan sa paghinga.

“Okay. Huwag kang mag-panic, Kat. Huwag kang mag-panic,” mahinang usal niya habang sunud-sunod ang paghinga. Pilit niyang inaalala ang nangyari at kung bakit siya napadpad sa estrangherong silid na ito.

Estranghero. May nakilala siyang estranghero kanina! Kanina ba iyon o kahapon na? At makikipagkita siya dapat kay Gail at Mico! Patay siya sa mga ito! At lalong patay siya kay Ares!

Kasabay nang pagkataranta niya ay ang muling paninikip at pagkirot ng kanyang dibdib. Tila bigla rin siyang kinapos sa paghinga. Black dots were now starting to form behind her eyes again.

“Hey, are you okay? You’re safe. Take a deep breath and relax. Come on, breath, Kitkat! Breathe in, breathe out.”

Sinunod niya ang pamilyar at mala-anghel na tinig na iyon. Unti-unti ay naging normal ang kanyang paghinga at paningin. Lumuwang din ang kanina ay naninikip niyang dibdib at unti-unting nawala ang kirot doon.

“Feeling better?” tanong ng may-ari ng mala-anghel na tinig na iyon.

Tumango siya at tinignan ang may-ari ng tinig at ng kamay na ngayon lamang niya namalayang humahaplos sa kanyang likuran. Muntikan na siyang mapasinghap ng malakas nang matignan ang Adonis sa kanyang harapan.

Ang guwapo-guwapo nito! Kung hindi nga lamang siya magmumukhang tanga sa harapan nito ay baka tinignan na niya kung may laway na tumulo sa gilid ng labi niya dahil sa kaguwapuhang taglay ng kaharap.

Teka, kilala ba niya ito? Bakit siya nito tinawag sa buo niyang pangalan?

“I’m Mi—“

“Damn it! You should have called me right away—you’re awake!”

Napatingin siya sa pintuan at nakatayo doon ang kaibigan niyang si Ares. Kilala nito ang Adonis na nasa harapan niya?

“Lower your damn voice, Ares! Kakagising lang ni Kitkat.”

Napakunot ang noo niya nang mapansin ang tawag sa kanya ni “Adonis.” Bakit kilala siya nito gayong hindi niya ito kilala? Malabong makalimutan niya ang mukhang ito kung nakasalubong na niya ito noon. Sa sobrang guwapo nito ay tatatak ito sa isipan niya.

Hindi na siya nakahuma nang nilapitan siya ni Ares at kaagad na sinipat ang kanyang kalagayan. Nang maramdaman ang pagkaalis ng kamay ni “Adonis” sa kanyang likuran ay tila bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang.

Teka, bakeeeeet?!

“Ilang ulit ko bang sasabihin sayo, Kat, na huwag mong abusuhin ang sarili mo? Damn it! Hindi ka ba makikinig sa akin kahit minsan? Papaano kung hindi ka nakita ni Milo kahapon sa parking lot? Eh di nakahandusay ka pa rin doon hanggang ngayon?”

Nawala sa litanya ni Ares ang pansin niya. Nauwi iyon kay “Adonis” na ang pangalan pala ay “Milo.” Ito siguro ang nakatatandang kapatid ni Mico. Bagay dito ang pangalan nitong “Milo.” Yummy ito kagaya ng tsokolateng inumin na milo.

“Nakikinig ka ba sa akin, Kat?” nanggigigil na ani ni Ares sa kanya.

Tumango siya kahit na ba wala na dito ang buo niyang atensyon. Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin.

“May hindi ka ba sinasabi sa akin, Kitkat de Leon?”

Ang tigas nang pag-iling niya sa tanong na iyon ni Ares. Kapagkuwan ay binalingan niya si Milo. “Salamat sa pagtulong sa akin, Sir,” nakangiting aniya sa lalaki. For the first time since she fell in crush with Mico, nakaramdam siya ng atraksyon patungkol sa ibang lalaki.

Ngumiti ito at lumabas ang pantay-pantay at mapuputi nitong ipin. Hindi niya alam kung namamalik-mata lamang siya subalit tila may dimple ito sa kaliwa nitong pisngi. Ah, heaven.

“You’re welcome. Mabuti na lamang at napadaan ako sa vicinity ng shop mo. I don’t know what would had happened if I wasn’t there for you.”

Tila lumobo ang puso niya dahil sa winika nito. Hindi niya mapigilang hindi hangaan ang lalaking ito. Bukod sa guwapo na ay mayroon pa itong busilak na puso.

“I’m Milo, by the way. Older brother of your friend, Mico. Magkaibigan din kami ni Ares,” anito at inilahad ang kanang kamay.

Walang pag-aatubiling ginagap niya ang kamay nito. Pagkadaop na pagkadaop ng kamay niya sa kamay nito, tila may naramdaman siyang kakaibang gumapang sa kanyang balat. Ito ba ang tinatawag nilang “spark” o “electricity”?

“I’m Kitkat, though alam mo na `yun. Pero tawagin mo na lang akong Kat,” aniya at nginitian ito ng matamis, iyong ngiting mas matamis pa sa tsokolateng Kit Kat.

Hindi niya alam kung imahinasyon niya lamang subalit tila may kung anong kumislap sa mata nito habang nakatingin sa kanya. Was it admiration? Oh well…

Ang guwapo mo talaga, Milo. Move over, Mico!

Isang tikhim ang pumutol sa pagtitig niya kay Milo. Si Ares ang epal na nilalang. Nawala sa isip niyang nandito pa pala ang lalaking ito. Teka, nasaan nga ba ang nandito na tinutukoy niya?

“Nandito ka sa bahay namin,” sagot ni Milo sa tanong na umiikot sa utak niya. Marahil ay nabasa nito ang pagtatanong o pagtataka sa mata niya.

“Speaking of that, why didn’t you call me, Milo?” singit ni Ares at pinaningkitan ng mata ang magkahawak pa nilang kamay ni Milo, “At pwede niyo nang bitawan ang kamay ng isa’t isa. O baka gusto niyo pang magyakapan?”

Ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa winikang iyon ni Ares. Subalit si Milo ay nginitian lamang siya at kinindatan. At ang puso niya, tila ba nalaglag na sa harapan nito dahil sa kindat nito. Bago bitawan ang kanyang kamay ay pinisil muna iyon ng marahan ni Milo.

Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagtalim ng tingin ni Ares kay Milo. Problema nito?

“Hindi kita ma-contact kagabi pa, Ares. Kaya nga ngayon lang kita tinawagan, di ba?” nakakunot ang noong sagot ni Milo kay Ares.

Ah, so dito ako nagpalipas ng gabi kina Milo. Cool.

Bago pa magtalo ang dalawa ay pumagitna na siya. “I’m okay so there’s no need to argue.”

Akmang sasagot pa si Ares nang muling bumukas ang pinto at sumungaw ang nakangiting mukha ni Gail. Dire-diretso itong pumasok sa loob at umupo sa may gilid niya.

“How are you, Kat? Tinakot mo ako kagabi ng makitang bitbit-bitbit ka ni Kuya Milo.”

Ngumiti siya. “I’m fine.”

“Fine my ass,” narinig niyang asik ni Ares.

Pinaningkitan niya ito ng mata.

Ares only rolled his eyes at her before facing Milo. “Let’s talk. Outside.”

Bago pa man siya nakakibo ay nakalabas na ang dalawa sa silid na tinutuluyan niya. Binalingan na lamang niya si Gail. Subalit ang pansin niya ay nasa lalaking sumagip sa buhay niya. Ang lalaki na nagtataglay ng mala-anghel na mukha. Ang lalaking pumukaw sa pansin niya.

Si Milo.





“BAKIT ba mainit ang ulo mo, Ares?” kunot-noong tanong ni Milo sa kaibigan si Ares.

Kanina noong kausap niya ito sa cell phone at sinabing nag-collapse ang kaibigan nitong si Kitkat noong nagdaang gabi ay halos matanggal ang tainga niya sa lakas ng boses nito. Kulang na lamang ay tirisin siya nito dahil sa hindi daw niya pagtawag dito kaagad.

Kasalanan ba niyang hindi niya ito ma-contact kahapon?

Idagdag pa na hindi ka naman nagtiyaga na contact-in siyang talaga. Singit ng isang bahagi ng utak niya.

“Stop whatever you’re planning, Milo,” seryosong anito sa kanya.

Kung may ikukunot pa ang noo niya, malamang ay ganoon na ang hitsura n`on ngayon dahil sa winika nito. “What are you talking about?”

“If you want to mend your broken heart then don’t use Kat. Hindi siya panakip-butas, Milo.”

Napailing-iling siya kasabay ng pagkaramdam ng inis para sa kaibigan. “I’m not planning on courting her, Pare.”

“Don’t fuck with me, Milo. I saw the looks you were giving her. Kung hindi nga ako sumingit, baka hanggang ngayon eh hawak mo pa rin ang kamay niya.”

Kung marunong lamang siyang mag-blush ay baka kanina pa nagkulay makopa ang mukha niya dahil doon. Hindi niya alam kung bakit hindi niya mabitaw-bitawan ang malambot, makinis at maliit na kamay ni Kitkat kanina—si Kitkat na siyang nagmamay-ari ng red notepad na napulot niya.

“Yes, I find her cute and adorable but I’m not planning on using the lady, for fuck’s sake!” simangot na aniya sa kaibigan.

Tumango-tango ito at hindi niya alam kung relief ba ang dumaang emosyon sa mukha nito. Hindi niya maiwasang hindi magtaka sa inakto nito.

“Ano nga palang sakit niya, Ares?”

Iniwas nito ang mata sa kanya. Tila ba kay lalim ng iniisip nito. Kapagkuwan ay sumagot din ito. “Asthma.”

Tumango-tango siya. Ngayon niya naalala ang babaeng nilapitan ni Ares noong engagement party nila Mico at Gail. Si Kitkat marahil ang babaeng iyon. Base sa built at haba ng buhok, hindi malayong si Kitkat nga iyon.

What a small world.

Biglang sumilip sa isipan niya ang anyo ni Kitkat. Kagaya ng nasa larawan sa notepad nito, may taglay na kainosentehan ang mukha nito—contrast sa mata nito na tila may itinatagong kapilyahan. Maputi ito na at may mapupulang labi. Itim na itim ang mata nito at may maliit na ilong na bumagay sa hugis pusong mukha nito. Maliit si Kitkat. Siguro ay hanggang dibdib lamang niya ito. Sabagay, matangkad kasi siya.

“Just promise me, Milo, na hinding-hindi mo gagawing panakip-butas si Kat. Find another girl. Huwag lang siya.”

Tumango siya upang matapos na ang usapan. Sino ba kasi ang nagsabing gagawin niyang panakip-butas si Kitkat? And if ever he wanted to be close to her, he would do it because he wanted to. Not because of his issue regarding Mico and Gail’s prior engagement.

Then there’s this nagging voice inside his head that kept on telling him to leave Ares and run to the place where Kitkat was resting right now.

What’s the meaning of that?

0 comments:

Post a Comment