Excerpt- Nathan and Lyn

K.R.Y. Trilogy II
Release Date: 2013


“GOOD morning!”

Lyn just grunted as a response. Pabagsak na umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ng mesa at isinubsob ang mukha doon. Sa sobrang tutok niya sa pagbabasa ng mga artikulo patungkol sa Sapphire Blue—o mas tamang sabihin na patungkol kay Nathan—ay halos mag-u-umaga na siya nakatulog.

Habang nagbabasa siya, hindi niya maiwasang makaramdam ng panliliit sa sarili. Sobrang layo ni Nathan kumpara sa kanya. Kung noon ay nawalan siya ng pag-asa na magugustuhan siya nito, lalo pa ngayon na kay raming babae ang nagkakagusto dito.

Teka! Bakit ko iniisip `yan? I’m over him already! I’m over him! Erase, erase!

Bahagya siyang napapiksi ng isang magaan subalit makinis na kamay ang naramdaman niya sa kanyang noo. Tila may init na gumapang sa katawan niya dahil sa simpleng pagdaiti ng palad na iyon sa balat niya. Even without looking at the owner of the hand, she knew instantly that it was Nathan. Though she’s not sure why she could recognize that feeling in an instant. Hmm.

“Are you okay, Lyn? May masakit ba sa`yo?”

Umiling lamang siya. “Napuyat lang ako.”

Naramdaman niya ang mahinang pagpitik nito sa noo niya. “You should sleep on time. Ang sarap pala dito sa Haengbok Isle. Presko. After natin kumain ng breakfast, punta tayo sa town proper. Let’s look around first.” Bago pa siya makatugon ay nagpatuloy ito. “If you want, that is.”

Nauna pang um-oo ang puso niya. “Sure. Pero baka hindi na ako mag-breakfast. Wala akong gana, eh.”

“You will eat whether you like it or not. Pinakamahalaga ang agahan, Lyn. Papaano ka magkakaroon ng lakas sa buong magdamag kung hindi ka mag-aagahan?”

“I managed to live for the past seven years without eating breakfast, thank you very much.”

“And that will stop now. Ako ang bahalang magpakain at mag-alaga sayo simula ngayon.”

Until you’re here, that is. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang tila kirot sa puso niya. Umakyat na ba ang kirot na nararamdaman niya sa sikmura niya papunta sa puso niya?

Napabuga na lamang siya ng hangin pero sa pinakaibuturan ng puso niya ay hindi niya maitatanggi na nasisiyahan siya sa pag-aasikaso ni Nathan sa kanya. When was the last time someone had care for her like this? She could not remember.

Narinig niya ang pag-ingit ng upuan sa tabi niya. Nang umayos siya ng upo at binalingan ang katabi ay nakita niyang nakaupo na sa tabi niya si Nathan. Ni hindi niya namalayang nakapaghain na ito.

“Ham and cheese omelette, bacon, rice, garlic sticks and fruits. Kainin mo lahat `yan.”

Bago pa man siya makakuha ng sariling pagkain ay naunahan siya nito ulit. Halos mapuno na ang pinggan niya sa dami ng nilagay nito doon.

“Kainin mo lahat `yan, ha? Gumising ako ng maaga para lang lutuin `yan sa`yo.”

And no matter how much she surpressed it, she could not deny that she liked what he had said.

“Nasaan nga pala si Vincent? Tulog pa? Kagabi pa `yon nakakulong sa kuwarto niya, ah.”

“Huwag mong alalahanin `yung isang `yon.”

Napailing siya. “Akala ko ba importante ang almusal? Dapat kumain din siya.”

“Malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya.”

“Eh, ako din naman, ah?”

Binalingan siya nito. “Kaya mo na nga ang sarili mo pero gusto pa rin kitang alagaan. Vincent on the other hand… well… malaki na siya. Puwede na nga siyang mag-asawa.”

“I volunteer as tribute!” pagbibiro niya. Guwapo talaga si Vincent pero hindi niya ito gusto. Hindi niya alam subalit tila may hinahanap na iba ang puso niya.

Nagulat siya nang kumalansing ang kubyertos na hawak ni Nathan. There was an unfathomable expression on his face while he was looking at her. His mouth was wide agape and he looked so shocked.

“No!”

Nagulat siya sa inakto nito. Bakit parang galit ito?

Tila nahimasmasan naman ito nang marahil ay napansin ang pagtataka at pagkagulat sa mukha niya. The hard edge on his face vanished and it became soft once again. “I mean, he loves someone else so—“

“I was just joking, Nathan. Wala akong gusto kay Vincent.”

“Oh? Oh! Great! I mean, that’s good,” masuyong ginulo nito ang buhok niya. “Kain lang ng kain.”

Bagama’t nagtataka sa inakto nito ay hindi na siya kumibo. Maybe he was just concerned because they are friends.

But why is it that her heart was wishing for something else right now?

0 comments:

Post a Comment