Excerpt- Nile and Karen

Release Date: 2013


TULALANG nakatitig si Karen sa kisame dito sa silid niya. It was a chilly Saturday morning and she wanted to spend the day daydreaming on her bed. Baka dahil sa ilang gabi na niyang pagpupuyat dahil sa projects sa trabaho at manuscript ay kung anu-ano na ang naiisip at nararamdaman niya at ng puso niya.

Napatingin siya sa cell phone niya nang bigla iyong nag-ring. Nang mabasa ang pangalan ni Nile sa screen ay nawala ang boredom na nararamdaman niya.

“Yellow!” bungad niya pagkasagot ng tawag.

Patlang.

“Nile? Hoy!”

“Karen, I have a problem and I need your help.”

Nang marinig ang pag-aalinlangan sa tinig nito ay bigla siyang kinabahan. Kahit kailan ay hindi pa siya nilapitan ni Nile kapag may problema ito. Come to think of it. `Ni minsan ay hindi pa siya nito napagsasabihan ng problema nito. `Ni minsan ay hindi niya nakita na tila may problema nito.

He was so laidback and so… cool. Like he doesn’t care about anything else aside from his sleep.

“What is it? Anong nangyari? Nakapatay ka ba? Oh my God! Don’t tell me naka-buntis ka? Paano?!”

“Do I have to tell you the step-by-step procedure on baby-making?”

Nanlaki ang mata niya. “My God! Naka-buntis ka nga! Bakit hindi ka gumamit ng proteksyon?!”  aniya habang sa loob-loob niya ay sumisigaw na siya ng, “No!”

“Siraulo!”

Kung kasama niya siguro ang lalaki ay baka nabatukan na siya nito. Muli ay napatitig siya sa kisame. Na-distract siya sa tila lumot na nakadikit doon.

“Nakikinig ka ba, Karen?”

“Ay, sorry! Ano nga ulit `yon?”

Napabuga ito ng hangin. Na-guilty naman siya. Minsan na nga lang itong maglabas ng sama ng loob sa kanya, mas inuna pa niya ang lumot.

“Nevermind.”

“Uy. Sorry na, Nile. `Tamo `to. Huwag ka ng magtampo. Makikinig na po ako. Ano ba `yon?”

“May annual party ang company nila Dad. And that tyrant wants me to go and he wants me to meet this girl. Anak ng business associate niya or something. My God, Karen! He wants me to fucking marry the girl!”

Nauna pang tumutol ang puso niya nang marinig iyon.

“What can I do? How can I help you?”

“Pretend to be my girlfriend in front of my dad. Please.”

Walang pagdadalawang-isip na pumayag siya. Isa pa ay mag-kasintahan na naman sila.

Acting nga lang.

“Okay. Kailan ba `yan?”

“Next Saturday.”

“Sige. Tinutulungan mo ako sa nobela ko, syempre tutulungan din kita. Isa pa, magkaibigan tayo.”

Kaibigan mo ako pero parang nagkakagusto ako sayo. Laslas!

“Thanks, Karen. I know I could count on you anytime. Let me give you a big kiss,” anito sa kabilang linya.

Sa lips? ani ng pilyang bahagi ng utak niya. Umiling siya upang iwaksi iyon sa isipan. “No problem. Ikaw pa, eh malakas ka sa akin.”

“I know. `Nga pala, can you please open your door?”

Nagtataka man ay tumayo siya at binuksan ang pintuan ng kanyang silid. Ang bumulaga sa kanya ay ang nakangiting mukha ni Nile. Nakadikit sa tainga nito ang cell phone nito.

“Good morning, Karen.”

Pakiramdam niya ay may humaplos na kamay sa puso niya nang makita niya ang ngiti nito. “Good morning, Nile. Nandiyan ka lang pala, may patawag-tawag ka pang nalalaman.”

Nagkibit ito ng balikat bago pinatay ang cell phone. “Gusto ko lang na ako ang unang makakarinig sa boses mo.” Bago pa man siya kiligin ay idinugtong nito ang, “Nakakapang-gising kasi ng diwa ang mala-megaphone mong boses.”

Natatawang pinalo niya ito sa braso.

“Siraulo.”

Dire-diretso na itong pumasok sa silid niya. “May dala akong breakfast.”

Sweet at maalalahanin talaga ang mokong.

“Thanks, Nile.”

“You’re very much welcome, babe.”

Pasalampak silang umupo sa sahig. Todo-asikaso naman ang lalaki sa kanya na kulang na lamang ay subuan siya. Bakit pakiramdam niya ay may nagbago sa lalaki? Was it his hair? Or the way he treats her right now?

Pinaningkitan niya ito ng mata. “There’s no need to bribe me, Nile. Tutulungan naman kita even without this sweetness.”

Ginaya nito ang paniningkit ng mata niya. “Who says I’m bribing you? I’m doing this because…”

“Because?”

Ngumiti lamang ito. Tila naging light ang kulay ng mata nito dahil sa ngiti nito. O dahil lamang iyon sa tama ng liwanag mula sa ilaw? Ah, basta. Ang guwapo nito.

Oops! I did it again.

0 comments:

Post a Comment