HINDI maiwasang magtaka ni Rein habang nakatingin sa mga kaibigan. Kasalukuyan silang nandito sa locker room at nagpapalipas ng oras. Kakatapos lamang ng practice game nila. Hindi niya gusto ang pagpapalitan ng tingin ng mga kaibigan niya. Mula sa kanyang bag ay inilabas niya ang baon niyang inumin. Pinunasan din niya ang pawis sa noo gamit ang bimpo sa bag.
“Kumusta na pala `yong babaeng natamaan ng bola ng tennis kanina, Rein?” tanong ni Reus sa kanya.
Nagkibit siya ng balikat. “She’s fine.”
Silang siyam na nandito ay pawang mga miyembro ng Tennis Knights—ang kilalang sub-group sa loob ng Tennis Club. Pawang mga magagaling lamang na tennis player dito sa Saint Vincent ang maaaring mapabilang sa grupo na ito. Kagaya niya ay ang kursong Computer Engineering din ang kinukuha ng mga ito. Magtatapos na ang mga ito habang siya ay nasa ikatlong taon pa lamang.
But if he could be given a chance, he’ll want to go abroad and be a professional tennis player. His number one goal is to play on this prestigious match, the Wimbledon. Just like how his father had conquered that match.
His father, Rico Hontiveros, is the first known Filipino tennis player who had entered the Wimbledon match. Isang panalo na lamang ang kailangang makuha ng ama niya at Grand Slam winner na ito subalit sa labis na pagkagulat ng lahat ay hindi ito sumipot sa huli nitong laban. Kilala ang tatay niya sa buong mundo dahil sa galing nito sa pagte-tennis. Aaminin niya, pakiramdam niya ay may mabigat siyang responsibilidad sa kanyang balikat dahil dito. Inaasahan kasi ng mga nakakakilala sa kaniya na kagaya ng kanyang ama ay makakasali din siya sa Wimbledon. Which he thought was far too imposible for now.
Idagdag pa ang Kuya Storm niya na sa mga oras na ito ay isa na rin professional tennis player. His brother had been in the Australian Open. Tila ba nasa dugo na nila ang paglalaro ng tennis. Kaya grabeng pressure ang nararamdaman niya sa tuwing hawak niya ang kanyang raketa. He might not show it but he’s damn tired of playing while there were so many eyes watching his every move. He wanted to play tennis because he wanted to, not because people were pressuring him to play.
“Bagay kayo, Rein,” nakangising ani Cloud sa kanya.
He scoffed. “Whatever.”
Pawang matatanda sa kanya ang mga ito pero kung ituring siya ng mga ito ay parang magkakaedad lamang sila.
“The girl’s face was kinda familiar. What’s her name again?”
“Ashleigh Ramos,” sagot ni Kei.
Something tugged at his insides when he learned that Kei knows the girl’s name.
Weird.
Biglang lumitaw sa isipan niya ang mukha ni Ashleigh. Unang beses niyang nakita ang babae noong papasok siya sa Saint Vincent. Namataan na niya ito bago pa man siya nito makita noong araw na iyon. Napansin na niyang tila balisa ito noong araw na iyon. Iyon pala’y nawawala na ito.
Hindi niya alam kung para saan ang inis na naramdaman niya sa kaisipang masyado itong mapagtiwala. Ni hindi siya nito kilala noon at maaari niya itong gawan ng masama pero sumige pa rin ito sa pagsama sa kanya.
Napailing siya.
Maliit na babae si Ashleigh. O siguro’y masyado lamang siyang matangkad para dito. May lagpas balikat itong buhok at bangs na halos takpan na ang mga mata nito. She has an expressive pair of chocolate eyes, cute nose and a pair of luscious red lips.
“Kidding aside, Rein, bagay talaga kayo. Makipaglapit ka sa kanya. Para naman hindi palaging non-existent ang love life mo,” pangungulit ni Cloud.
Umiling na lamang siya at hindi ito pinansin. Wala sa isip niya ang love life niya dahil marami pa siyang gustong patunayan sa sarili niya. Marami pa siyang gustong patunayan sa mga tao sa paligid niya. Isa pa, marami pa siyang gustong patunayan sa ama at kuya niya.
Pero bakit paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya si Ashleigh?
“HI, REIN!” nakangiting bati ni Ash kay Rein. After ten thousand years, nagkalakas-loob din siyang lapitan ito.
Okay, exaggerated lang ako. After three days of contemplating lang pala.
Imbes na pansinin ay bahagya lamang siyang tinignan nito at nagpatuloy ito sa paglalakad. Gusto na niyang mag-back out subalit pinalakas niya ang kanyang loob. Gusto niyang mapalapit kay Rein. Gusto niyang makilala niya ito ng lubos at gusto niyang makilala din siya nito.
Isa pa, gusto niyang makita ng lalaki na siya ang babaeng itinadha para dito.
“I’m Ash, by the way.”
“I know.”
Bigla siyang kinilig dahil doon. Simpleng kadahilanan pero iba ang hatid sa kanya na alam nito ang pangalan niya.
“How did you know my name?”
“It’s written on your I.D.”
Napasimangot siya. Nakaharap nga ang I.D. niya. Kaagad niyang itinalikod ang I.D. para hindi nito makita ang larawan niya doon. Pangit kasi siya doon at baka ma-turn off ito sa kanya.
“Saan ka pupunta?” tanong niya habang umaagapay sa paglalakad nito.
“It’s none of your business.”
Imbes na panghinaan ng loob ay napangiti pa siya. Hindi niya alam subalit naku-cute-an siya sa pagsusuplado nito sa kanya. Masokista yata siya.
“Pwedeng sumama sayo?”
“No,” panonopla nito.
“Bakit naman?”
“Hindi kita kilala.”
“You just told me you know me a while ago.” Hindi ito kumibo. Nanatili siyang nakabuntot sa lalaki. “May practice game kayo—ay putek!” Pumikit siya at hinintay ang paghalik niya sa lupa subalit imbes na ang malamig na lupa ang mahalikan ay sa isang mainit na bagay siya bumagsak.
Pagdilat niya ay saka niya napagtanto na hindi siya bumagsak dahil nasalo siya ni Rein. Hawak-hawak siya nito sa magkabila niyang braso. Ramdam niya ang init na nagmumula sa kamay nito papunta sa kanyang katawan.
Alam niyang namumula na ang pisngi niya kasabay ng kilig na umusbong sa puso niya.
“Thank you. Anyway—“
Tila napasong binitawan nito ang pagkakahawak sa braso niya. “Forget about your feelings for me, Miss. I’m not interested.”
Tila itinulos siya sa kinatatayuan nang marinig ang winika nitong iyon. Tila may mga kamay ang humawak sa puso niya at pinisil iyon nang mariin. Crush niya lamang ito, hindi ba? Pero bakit gusto na niyang umiyak dahil sa sinabi nito?
Subscribe to:
Posts (Atom)
0 comments:
Post a Comment