“INHALE, Exhale. Kaya mo ‘yan, Jelle. Lapitan mo lang si Guji and presto! Naka-first base ka na,” kausap niya sa sarili. Kasalukuyan siyang nasa canteen ng mga oras na iyon. Lunch break niya at dahil kaklase niya si Guji, lunch break din nito.
Hawak-hawak niya sa mga oras na iyon ang tray niya ng pagkain na binili niya dito sa university canteen. Ang plano niya ay sumabay sa pagkain kay Guji. Hindi nito kasabay sa pagkain ang girlfriend nito kaya naman hindi masyadong alangan kung sasabayan niya ito. Idagdag pa na puno na halos ang mga mesa at ang mesa lamang nito ang medyo bakante pa. Nag-iisa lamang kasi itong kumakain.
Huminga siya nang malalim at tiyak ang mga hakbang na papalapit na siya kay Guji. Subalit bago pa man siya makalapit ng tuluyan sa lalaki ay ay isang kamay ang kumuha sa tray niya at biglang humawak sa beywang niya. She gasps when she felt a jolt of electricity that flowed to her body because of the stranger’s touch.
Akmang kakalas siya mula sa pagkakahawak ng estranghero sa kanyang beywang nang maramdaman niya ang pagdampi ng mainit na hininga sa kanyang tainga. Right there and then, kilala na niya kung sino ang pangahas na halos yumakap na sa kanya.
Si Reus. Bakit nga ba hindi niya kaagad naisip na si Reus ito? Eh ito lang naman ang kilala niyang naghahatid sa kanya ng ganitong sensasyon, na hindi niya maisip at maarok kung bakit.
“Don’t struggle, Jelle. Huwag mong sagarin ang pasensya ko sayo ngayon,” mahinang wika nito sa tapat ng tainga niya.
Napahinto siya sa tangkang pagkalas sa pagkakahapit nito sa beywang niya. Not because she felt threaten on Reus’ serious voice but because of the sensation she felt when she felt his breathe on the sensitive part of her ear. Something warm was flowing inside her body just because of his nearness, of his touch.
Ipinuwesto siya nito sa marahil ay table nito. She noticed the food on the table kaya naisip niya na marahil ay kanina pa ito dito. Nakita marahil siya nito na lalapitan si Guji kaya nilapitan siya nito. Though hindi niya alam kung bakit kailangan nitong magalit sa kanya at halos kaladkarin na siya papunta sa lamesa nito.
“There, diyan ka kumain,” ani ni Reus sa kanya. Pagkatapos nitong ayusin ang upuan niya ay inilapag nito ang tray sa harap niya. “Eat.”
Tila isang masunuring bata na sumunod siya dito. Masyado kasi siyang nagulat sa transformation nito. Ngayon lamang niya nakita na ganito kaseryoso ang isang ito, sa pagkakatanda niya. Ang akmang pagsubo niya sa pagkain niya ay napahinto. Napakunot ang noo niya at napatingin kay Reus.
“Bakit mo nga pala ako kinaladkad papunta dito?!” asik niya sa lalaki. Tila ba ngayon lamang siya nahimasmasan sa ginawa nito. Masyado yata siyang “naakit” nito kaya hindi siya kaagad nakakibo kanina at natameme siya.
“You’re only making a fool out of yourself, Rejelle Rose,” anito.
“Huh?”
“Look at Guji right now.”
Sinunod niya ang utos nito. She looked at Guji at nakita niyang hindi na ito nag-iisa ngayon. He’s with his girlfriend, eating lunch together, exchanging sweet words with each other. Napapikit siya at iniiwas ang paningin sa lalaki at sa kasama nito. Ibinaling niya ang pansin kay Reus. Napakunot ang noo niya nang mapansin na tutok na tutok sa kanya ang pansin ni Reus. Many emotions were swirling on Reus’ eyes that she couldn’t put a name.
One of them she guessed was worry? Or was it jealousy? Hindi niya alam.
Napabuga siya ng hangin at itinutok na ang pansin sa pagkain. Isinantabi niya ang tila kamay na pumipiga sa puso niya dahil sa nasaksihan sa pagitan ni Guji at ng girlfriend nito. Oo, tila may kung anong patalim ang tumarak sa puso niya sa nasaksihan, subalit wala naman siyang makapang galit sa babaeng tila umagaw sa pagmamahal ni Guji na naiisip niyang para sa kanya dapat.
Weird.
“Bakit ba hindi mo magawang bitawan si Guji, Jelle?” narinig niyang tanong ni Reus.
Hindi siya nag-abalang tignan ito. Hindi niya gustong makita sa mata nito ang awa para sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi maaawa sa kanya? Tila ba isa siyang babaeng kulang sa pansin. Pathetic. Alam niyang gan’on ang tingin sa kanya ni Reus.
“I admire your strength, Jelle. Sana’y may ganyan din akong lakas ng loob. Pero ayoko nang makita na nasasaktan ka dahil lamang kay Guji. Wake up, Jelle. You have no chance anymore.”
Suddenly, tila nahawi ang lungkot sa puso niya dahil sa sinabing iyon ni Reus. Lalo na’t dinig na dinig niya ang labis na pag-aalala sa tinig nito. Kasabay niyon ay hindi niya maiwasang hindi magtaka sa sinabi nitong iyon.
Bakit ayaw nitong makitang nasasaktan siya? At bakit palagian itong naroroon kapag kailangan niya ito? At hindi niya alam subalit umukit sa utak niya ang sinabi nito, na sana’y may lakas din ito ng loob kagaya niya. Para kanino naman?
“Jelle, if you really love Guji, you’d be willing to let him go to be happy with the woman he loves. There’s nothing wrong with fighting for your feelings but there’s always the right time to stop fighting,” maya-maya’y wika ni Reus sa kanya.
Hindi siya nakakibo dahil sa mga pangungusap na binanggit nito. He has a point. In fact, tama ang lahat ng sinabi nito. Pero naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin.
“Jelle, hindi lang si Guji ang lalaki sa mundo. Mas marami pang lalaki diyan na maputi at mas approachable kaysa kay Guji. Bakit ba hindi mo makita ‘yun?” Dumukwang mula sa pagkakaupo si Reus at naramdaman niya ang paghawak nito sa ulo niya. Ginulo nito ang buhok niya na tila ba isa siyang batang musmos. “I’ll help you, Jelle. Sa akin ka na lang magkagusto, available na available ako,” nakangising anito sa kanya.
Bahagya niyang sinuntok ito sa balikat subalit hindi naman niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Hindi niya alam kung anong mayroon si Reus at kaydali siya nitong napapangiti sa kabila ng pinagdaraan niya ngayon.
“Thank you,” nakangiting aniya kay Reus, her smile was sincere, kagaya ng pasasalamat niya sa lalaki.
Dahil sa mga katagang binitawan ni Reus ay nakapag-isip-isip siya. She decided to stop this foolishness already. She guessed it’s time for her to stop and to move on and give up on Guji.
What’s with Reus that’s making her completely forget about Guji and Jill and her plans? And what’s with him that’s making her heart somehow, beat on its unusual way?
Kinukulam ba siya ni Reus?
Subscribe to:
Posts (Atom)
0 comments:
Post a Comment