Excerpt- Riley and Rione

Release Date: 2011


TOMODACHI’s? Kilala mo ang may-ari nito, Riley?” tanong ni Rione kay Riley habang inililibot ang paningin sa pinagdalhan nito sa kanya. Ang Tomodachi’s ay isang bar and restaurant na ang istraktura ay iyong mga nakikita sa Japan. Sabagay, pangalan pa lamang ng bar and restaurant ay hapon na.
   
Dito siya dinala ni Riley pagkatapos niyang umiyak ng umiyak sa balikat nito sa sasakyan. Ikain lamang daw niya ang depression na nararamdaman niya pagkatapos ay mag-move on na siya.
   
Yes, that’s what she would do after this. Talagang kakalimutan na niya ang sinungaling at manloloko na Kurt na iyon.
   
“My friend owns this one,” tugon ni Riley at inakay na siya sa isang bakanteng lamesa sa pinakasulok na bahagi.
   
Pinaupo siya ni Riley at umupo naman ito sa tabi niya. Pagkaupong-pagkaupo nila ay isang lalaki ang lumapit sa kanila. Isang guwapong lalaki. Isang singhap ang kumawala sa labi niya nang makilala ang lalaking ito. Isa rin itong modelo. Si Ramonli Rodriguez!
   
“Pare, napadaan ka dito?” nakangising anito kay Riley.
   
Nagkibit ng balikat si Riley. “No choice, pare,” anito at binalingan siya. “He’s the owner of this restaurant, Ramonli. Ramonli, my girlfriend, Rione.”
   
Muntik na siyang mapasinghap nang pinakilala siya nitong girlfriend nito nang maalalang kasama nga pala iyon sa trabaho niya—ang maging girlfriend nito sa ibang pagkakataon at kapag kinakailangan.
   
“Girlfriend? For real? Congrats, pare! I’m happy for you,” nakangising ani ni Ramonli kapagkuwan ay siya na ang binalingan. “Puwede pang magbago ang isip mo, Rione. Maloko kasi ang kaibigan ko at baka—“
 
“Shut the fuck up, Ramonli!” putol ni Riley sa iba pang sasabihin ni Ramonli at binigyan ito ng isang nakamamatay na tingin.
   
Nagtaas ng dalawang kamay si Ramonli na tila sumusuko kapagkuwan ay nginitian sila. “Libre na dinner niyo. Regalo ko na sa inyo.”
   
“Fine. Umalis ka na. Dali.”
   
Natawa siya sa kinikilos ni Riley. Hindi niya mawari pero tila ibang Riley ang kaharap niya ngayon habang nakikipag-asaran ito sa kaibigan nito. It was as if she suddenly caught the glimpse of the Riley she knew years ago.
   
“May problema ba?” pukaw ni Riley sa pagtitig niya dito.
   
Umiling siya at ngumiti. “Wala.”
   
Tumango lamang si Riley. Kapagkuwan ay narinig niya ang mahina nitong pagmumura. Nagtatakang napatingin siya sa lalaki at nakita niyang kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa isang bahagi sa restaurant.
   
“Psychotic bitch,” she heard him muttered under his breath.
   
“Problem?”
   
“Act with me, okay?”
   
Tumango siya at muntik nang mapasinghap nang maramdaman ang braso ni Riley sa beywang niya. Tila may gumapang na init sa katawan niya dahil sa pagkakadaiti ng braso nito sa kanya. Iba ang hatid sa kanya ni Riley. Ibang-iba.
   
“Hello, Riley. I missed you.”
   
Nanigas siya nang marinig ang tila nang-aakit na tinig na iyon. Kaagad niyang tinignan ang pinagmulan ng tinig na iyon. Isang babaeng tadtad ng make-up ang mukha ang bumulaga sa kanya.
   
“Marielle, I’m busy right now. Leave us alone,” seryoso ang tinig ni Riley nang magsalita.
   
“Busy with your latest fling?”
   
Narinig niya ang pagtatagis ng ngipin ni Riley kasabay nang bahagya nitong paghapit ng katawan niya papalapit sa katawan nito. “She’s my girl and I’m serious about her.”
   
Nakita niya ang pagdaan ng hindi pagkapaniwala sa mukha ni “Marielle” bago ito tumingin sa kanya. Naasar siya sa tinging ibinigay nito sa kanya. Kung tignan siya nito ay tila ba mas maganda ito sa kanya. As if! Mukha itong palakang baboy sa ayos nito ngayon.
   
“Eto? Magseseryoso ka dahil lamang sa babaeng ito?”
   
Hindi niya napigilang magsalita. “Kaysa naman ikaw ang seryosohin niya, hindi ba?”
   
Namula ang mukha nito at walang kibong tinalikuran sila. Buti na lamang at hindi nabiyak ang daan dahil sa bigat ng yabag nito.
   
“Bitch,” she muttered. Nang tumingin siya kay Riley ay nakita niya ang amusement sa mata nito. May ngiti rin na nakapaskil sa labi nito sa mga oras na iyon.
   
“Cute,” anito sa kanya at magaang kinurot siya sa pisngi. Hindi niya alam kung sinadya nito o nakalimutan lamang pero nanatili sa beywang niya ang braso nito. Not that she mind, ha?
   
Tila ba nakalimutan niya ang tungkol sa ginawa ni Kurt sa kanya dahil kay Riley, dahil sa ngiti nitong nakita niyang nakapaskil sa labi nito.
   
Uh-oh.

0 comments:

Post a Comment