Excerpt- Zen and Rahzel

Camp Speed Book 9
Release Date: 2013


ISANG dessert shop ang Ice Age. Ang specialty dito ay fruit shakes pero mayro’n din silang pastries, fries at kung anu-ano pang pagkain na nagko-compliment sa shake.

Isang almond mocha shake ang in-order niya na may vanilla ice cream sa ibabaw, fries at anim na cupcakes na ang design sa bawat ibabaw ay bumubuo sa mga letra ng nick name niya. Ginaya din ni Zen ang order niya. Lima lang ang cupcakes nito dahil limang letra lamang ang pangalan nito na Eizen.

Napatingin siya kay Zen nang maalalang kasama niya ito. Pakiramdam niya ay wala na siyang lakas para ipagpilitan pa sa lalaki ang maskara niya.

He’ll like me for who I am, not for who I wanted to be.

What?!

Abala siya sa pagkain at hindi pinapansin si Zen, tutal ay hindi rin siya nito pinapansin. Ilang minuto lamang ang lumipas nang may inilapag itong tissue sa gilid niya. Pagtingin niya ay may nakaguhit doon na chibi-style na babae.

It seemed like the girl on his drawing was her.

“Wow! Ang cute!” hindi niya napigilang bulalas. She loved art so much that by just seeing cute artsy stuff, lumalambot ang puso niya.

“Now, that’s the smile I wanted to see.”

Hindi niya napansin na nakangiti na pala siya, hindi `yong peke niyang ngiti kundi iyong totoong ngiti niya. Pagtingin niya kay Zen, ang inaasahan niyang mapanukso at mapang-asar na ngisi nito ay wala. Bagkus, kaylambot ng ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.

Inirapan niya ito. “Akin na `to,” she demanded to him.

“Sa `yo naman talaga `yan,” anito bago nagkibit ng balikat.

“Magaling ka palang mag-drawing.”

He flashed his sexy smirk. “You’re good for my ego, short stuff,” anito.

She just rolled her eyes at him.

Kinain na niya isa-isa ang cupcakes niya habang si Zen ay ang fries nito ang nilantakan.

“Razensia…”

Mula sa pagkain ng cupcake ay binalingan niya si Zen. “O?”

Mataman itong nakatingin sa hawak nitong French fries. “I don’t know how to speak French.”

Napakunot ang noo niya sa out-of-this-world na winika nito. “So?”

“But I know how to kiss that way,” nakangising anito bago sumubo ng French fries. “Want me to show you how?”

Namula ang pisngi niya. Bago pa niya masinghalan ang lalaki ay tumungkod ito sa mesa at pinahid ang gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki nito.

“Shut up, Eizen!” hindi niya napigilang asik dito at binato ito ng fries.

Isang nakakalokong tawa ang ibinato nito sa kanya.

0 comments:

Post a Comment