His Beautiful Surrender


HIS BEAUTIFUL SURRENDER

by: Marione Ashley
Released Date: September 23, 2014
[Sequel to His Beautiful Distraction]

"You know I'm willing to give up everything if it means spending another second with you. For one second is better than a lifetime of not knowing you."

May sakit sa puso si Coffee. Tuwing inaatake ng sakit ay nawawalan siya ng pag-asang gumaling, nawawalan ng ganang mabuhay. Dahil din sa sakit niya kaya ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na iibig uli. Ayaw niyang masaktan ang lalaking mamahalin kapag nawala na siya.

Hanggang sa nakilala ni Coffee ang binatang doktor na si Ares. Tinulungan siya ng binata na makita kung gaano kasarap ang mabuhay. Tuwing nalulungkot siya ay nasa tabi niya ang binata, inaaliw at pinapalakas ang kanyang loob. Hanggang sa inamin ni Ares na mahal nito si Coffee. Subalit kung kailan handa na si Coffee na isantabi ang pangakong hindi na iibig ay saka naman niya natuklasan ang totoong dahilan kung bakit siya tinulungan ng binata.




---  Ares was from my novel His Beautiful Distraction. May mga readers akong nagtatanong kung may story ba siya so naisip kong gawan.

---  Hindi ko maalala kung nabanggit ba sa novel pero magkamag-anak si Ares at Gabby (Eros Gabriel from Kiss, Kiss, Fall In Love).

---  Ares' full name was Ares Jervis Roxas. Ang Jervis ay galing kay Daddy Long Legs. Naisip kong Coffee ang ipangalan kay Coffee in contrast sa Kitkat na pangalan ng lady love ni Milo (HBD).

---  Aaminin kong umiyak ako habang sinusulat ang latter parts ng novel; lalo na doon sa church scene. Mabuti na lang tulog na mga kasama ko sa kuwarto kaya walang nakakita sa `king umiiyak.

---  Isa na siguro si Ares sa pinakamabait na hero na nagawa ko. Saka hindi niya ako masyadong sinaktan. Si Coffee ang nanakit sa `kin. Ahaha!

---  When I was writing this novel, ang gusto kong message na iparating sa mga makakabasa ay huwag susuko sa anumang hamon ng buhay. I'm glad when there were readers who sent me messages saying they loved the message of the story. Ito iyong mga panahong sobrang fulfilling maging writer.

---  May na-cut na scene sa ending pero ayos lang naman.

---  Ang nickname dapat ni Coffee ay short stuff. Ewan ko ba kung bakit hindi tinatanggap sa PHR ang nickname na `yan at ginawang shorty. Huhuhu.

---  May naisip na `kong name ng magiging anak if ever nila Ares at Coffee. Kaya lang nakalimutan ko nang ita-type ko na rito. OMG.

1 comments: