Delah's Mr. Stoned Heart


DELAH'S MR. STONED HEART
by: Marione Ashley
Released Date: September 18, 2013
[LoveString]

Somehow, between their irritating conversations, he fell in love with her. No matter how hard he denied it, he was now in love with her.

Snob, serious, strict. Ilan lang iyon sa mga katangian ng bagong boss ni Delany na si Drake Solomon. Kung hindi nga lang sa pakiusap ng lola ni Drake ay nunca na papayag siyang maging sekretarya nito.

Isa lang ang masasabi niya rito—hinding-hindi niya ito makakasundo dahil sa ugali nito. At dahil sa mala-android na pag-uugali nito ay ginawa niya itong modelo sa nobelang isinusulat niya. Napagtanto niyang walang ipinagkaiba ang ugali ng mga ito. Habang unti-unting nahuhulog ang loob ng mga bida sa kanyang nobela ay unti-unti ring nahuhulog ang damdamin niya kay Drake. Dahil sa kabila ng pagsusuplado nito sa kanya ay namalas niya ang pagiging sweet at maaalalahanin nito. Ngunit naisip niyang mahirap mahalin ang isang katulad ni Drake.

Ang tanging mayroon siya ay lakas ng loob at ang pagmamahal niya para dito. Kaya na ba niyang tibagin ang yelong nakapalibot sa puso nito?




---  This novel was supposedly the first book of my series: LoveString. I wrote this last year (2012) the same time I was writing KRY trilogy. Eh sobrang bagal ko so ayon, hindi ko na pinilit na mag-series. Maybe next time na lang. Ahehe!

---  Ang title dapat nito ay Delah's Fiery Heart vs Drake's Stone Heart. I asked my editor if I could change the title and she said yes. So I changed it into Mr. Stone Heart. Nag-suggest `yong editor ko na kung puwede raw ay Delah's Mr. Stone Heart na lang. Since okay lang naman, pumayag na rin ako.

---  Si Delah, `yong heroine, ay ako. Chos! Drake was someone I know in real life. The other characters (the writers) are my friends and yes, writers din sila. Pakalat-kalat lang sila sa Facebook.

---  Saglit na nabanggit si Delah sa Epilogue ng story ni Ashleigh (The Prince's Trial-and-error Love). Friends sila at parehas nagsusulat sa LoveString Publishing.

---  N'ong sinusulat ko `to, naglilibot ako sa internet at pag-open ko ng isang website, saktong Runaway ang background music kaya ayon, nailagay ko siya sa nobela.

---  Lola Waway, Drake's grandmother, was my grandmother.

---  N'ong inumpisahan ko si Drake, dapat nick name lang ang Drake. Ang full name niya na nakalagay sa list ko ay Darwin Archie. Eh nabantutan ako, ayon, simply Drake na lang siya. Si Delany, ang unang nick name na naisip ko ay Lanie. Nagkaro'n ako bigla ng kawarla na Lanie, tsugi siya. Ahehe!

---  Inuna ko talaga si Drake kahit suplado siya. Kasi dati gusto ko kapag suplado, dapat laging huli. Kaya lang napansin ko, kapag last book, tinatamad na akong gawin. Kaya inuna ko siya para una ang love story ko. LOL!

---  Ang masisiguro ko lang na may story sa mga characters na napadaan sa book na `to ay ang mga writers.

2 comments:

  1. ang ganda po pramis ilang oras ko nga lang binasan nag posted pa po ako sa facebook tungkol sa story :) na delah's mr.stoned heart

    ReplyDelete