KAREN'S MR. SILENT HEART
by: Marione Ashley
Released Date: October 02, 2013
[LoveString]
She guessed that this was the best part of being in love, loving someone and being happy about that love. The kind of love that even though you can never have him, you’d still be happy because you’ve been given the chance to be with him even if your role was just to be his best friend.
Nile was the perfect best friend a girl could wish for. Or so Karen thought. Nang inalok niya itong maging pretend boyfriend niya dahil sa problema niya sa pagsusulat ay pumayag ito. She realized he was indeed a boyfriend material. Kung inaasikaso siya nito noong magkaibigan pa lang sila, lalo na ngayong “magkasintahan” na sila.
Hanggang sa binibigyan na niya ng malisya ang lahat ng gawin nito sa kanya. Enjoy na enjoy siya kapag nakukulong siya sa mga bisig nito. Bumibilis ang tibok ng puso niya kapag nasa malapit ito. Diyata’t unti-unti nang nahuhulog ang sutil na puso niya sa mga ipinapakita ni Nile sa kanya? Hindi yata alam ng puso niya ang kasabihang “walang talo-talo sa magkakaibigan!”
Handa na sana siyang itago na lang ang damdamin niya para kay Nile ngunit biglang hinalikan siya nito. At sa mga labi pa.
Uh-oh. Why did he kiss her like that?
--- Dedicated ang novel na ito kay Nikki Karenina. Siya ang bida rito. No choice siya kundi tanggapin si Nile ng buong-puso dahil hindi ko na siya tatanggapin pabalik. Ahaha!
--- Sa iisang tennis club lang kabilang si Nile at Harmond (Karen's brother). Hindi ko maalala kung nabanggit sa nobela pero ang name ng tennis group nila Nile ay Tennis Gang. Sa Sebastian Era University naka-base ang tennis club na `to.
--- The barely mentioned StarFax Agency was the same agency on my old novel Heart of Mine. The Spiral Cafe that was mentioned here (Spike and Patch were mentioned, too) was the same Spiral Cafe on my to be published novel: The Cereal Killer.
--- Ikalimang best friends-turned-lovers story ko na yata ito. I think I should stop. Ahaha!
--- Little Arena, the tennis club mentioned on the book, was the same Little Arena mentioned on Camp Speed: Kiss, Kiss, Fall In Love. Hindi pa ito ang huling beses na mababanggit sa mga nobela ko ang naturang tennis club.
--- Pangarap kong mag-soul searching kagaya ng ginawa ni Karen. Sadly, wala akong pera, wala akong visa/passport. Ahahaha!
--- One year after yata bago ko naipasa `tong book two ng LoveString kaya sinabi ko sa editor ko na hindi ko na siya gagawing series. Spin-offs na lang.
0 comments:
Post a Comment