CAMP SPEED: KISS, KISS, FALL IN LOVE
Book Five
by: Marione Ashley
Released Date: May 22, 2013
[Collaboration Series]
“He is worth the pain and the heartaches. Ganoon naman kapag mahal mo, hindi ba? Patatawarin mo siya, tatanggapin mo uli siya, mamahalin mo pa rin siya kasi nagmamahal ka, eh.”
Psyche Faie Macaraeg had been waiting for her true love and was saving her first kiss for him. Ang akala niya ay natagpuan na niya iyon sa katauhan ni Rance Miguel—ang kauna-unahang lalaking hinayaan niyang makalapit sa kanya. Balak na sana niyang sagutin ito kung hindi lang umeksena ang best guy friend niyang si Eros Gabriel Roxas. Basta-basta na lang nitong ninakaw sa kanya ang first kiss niya.
Pero wala sa hinagap niya na mauuwi sa isang aksidente ang kagustuhan niyang gantihan ito. Kaya nang hilingin ni Eros na maging personal nurse siya nito ay agad siyang pumayag. Ginawa niya ang tungkulin niya bilang tagapag-alaga nito ngunit hindi niya inasahan ang pagbabago ng damdamin niya para dito. Unti-unting nahuhulog ang loob niya rito. Lalo niyang napatunayan na mahal na niya ito hindi bilang Eros na best friend niya nang muli siyang halikan nito.
Kaya ganoon na lang ang tuwang naramdaman niya nang malaman niyang pareho sila ng nararamdaman nito. Nang hilingin nitong subukan nilang lumampas sa linya ng pagkakaibigan ay sinang-ayunan niya iyon. Hindi mapantayan ang sayang kanyang nararamdaman tuwing kasama niya ito. Ngunit ang inaakala niyang saya ay mapuputol din pala nang malaman niyang parte lang pala ng isang palabas ang relasyon nilang dalawa.
--- The title was from the lyrics of Ouran High School Host Club's OST, Sakura Kiss.
--- Gabby's nick name was from Nikki Karenina. Nagbunutan kami at si Gabby ang nakuha ko. Nag-isip na lang ako ng real name niya since ayoko ng Gabby as a real name. Choosy pa ako eh no? Ahehe. Hindi ko na maalala kung saan ko nakuha ang Gabriel. Basta `yong Eros, ang cute lang kasi. Favorite ko kasi si Eros and Psyche kaya ginamit ko silang bida dito.
--- As usual, I was pressured when I was writing this one. Ako kasi dapat ang pangatlo sa Camp Speed base sa bunutan pero mabagal akong magsulat. Nakakahiya talaga sa mga ka-collab ko. Ahehe. Since hindi ilalabas ang Camp Speed hangga't hindi kumpleto ang lima, nataranta ako kasi ako na lang ang hinihintay. Kung tama ang pagkakatanda ko, ang target ay i-launch ito sa GFD so may deadline talaga. Spell pressured? Marione Ashley. Ahaha!
--- Ahm. Mahilig talaga ako sa mga lalaking kagaya ni Eros Gabriel. `Yong mga manyak. Chos! Sa totoo lang, n'ong sinusulat ko si Eros Gabriel ay na-in love ako sa kanya. Nawala lang n'ong pina-revise siya sa `kin. HAHAHA! Gusto ko ang lahat sa kanya. Chos ulit.
--- INOSENTE ako n'ong sinusulat ko `to. As in. Dito ko masasabi na kahit ano'ng sabihin nila (Looks at my friends, ehem, ehem) wholesome pa rin ang image ko ;)
--- Nakuha ko `yong name na Bite Me!, Psyche and Eros' pastry shop, sa dapat ay pangalan ng business sa feasibility study namin last, last semester. Na-cute-an kasi ako diyan at since ako naman ang nag-suggest niyan sa mga groupmates ko dati, eh di ginamit ko na diyan.
--- Si Rance Miguel na third party sa nobelang ito ay may exposure pa sa susunod kong nobela. Abangan. Chos. Basta, ayokong maging spoiler dahil baka hindi matuloy, eh. Pero I love tennis players kaya malay niyo...
--- Little Arena, which was barely mentioned on the novel, was actually a tennis club slash arena slash studio slash whatever-you-call-this-place.
0 comments:
Post a Comment