K.R.Y. Trilogy II: Nathan (If I Love You More)


K.R.Y. TRILOGY II: NATHAN (IF I LOVE YOU MORE)
by: Marione Ashley
Released Date: April 03, 2012
[Sapphire Blue]

For years, I’ve been going through an unrequited love and not even once I regretted falling in love with her because she’s worth the pain and the uncertainties.

Nang magbalak si Nathan na magbagong-anyo dahil sa babaeng napupusuan niya ay sa best friend niyang si Lyn siya nagpatulong. Pumayag naman kaagad ang dalaga sa hiling niya. Everything went smoothly according to his plan. Until he saw Lyn smile at his cousin’s friend, Vincent. Bigla-bigla ay nagbago ang tingin niya rito. Nagseselos siya kapag may kausap itong iba. Naiinis siya kapag nakatingin ito sa iba. But they were just friends, so why was he feeling this way?

It was then that he realized that friends do fall in love. And he fell for her friend Lyn. Hard. Pero kung kailan handa na siyang magtapat dito ay saka ito naglahong parang bula.

Pagkatapos ng pitong taon ay muli silang nagkita. Hanggang sa ikalawang pagkakataon ba ay friend zone pa rin siya sa buhay ng dalaga?




---  I wrote this manuscript around October and was approved on November, kung tama ang pagkakaalala ko. Basta after ng sem-break `yan.

---  It took me three days to finish this one. Eto na `yong isa sa iilang pagkakataon na mabilis akong nakatapos ng manuscript na pinasa ko agad. Nagawa ko na `to dati pero after finishing the manuscript for two days, hindi ko `yon pinasa dahil hindi ako confident do'n. But with Nathan, medyo okay kasi ako sa story so I passed it on the fourth day. Inspired kasi ako sa crush ko the day I was writing Nathan kaya napabilis ako :)

---  Approved agad ang nobela na `to, wala nang pinagawang revisions or what-so-ever.

---  Medyo nahirapan ako sa characterization ni Nathan dahil feeling ko ang weak niya.

---  Sa unang plano ko sa story na `to, dapat ay malaking-malaki ang part ni Vincent at Nicole sa buong story. As usual, tinamad ako sa plot na `yon so nag-stick ako sa second plan ko na siyang kinalabasan ng novel.

---  The masquerade ball was inspired on Super Junior's MV, Opera. Ahehe. Panoorin n'yo para makita niyo kung bakit.

---  `Yong kantang nabanggit sa story na "If I Love You More" ay kanta sa Korea. Hindi po akin `yan. Pero `yong kantang ginawa ni Nathan para kay Lyn, ako po ang gumawa no'n.

---  Feel-good para sa `kin ang nobela na `to. Compared sa dalawang book ng trilogy, dito ko masasabing nadalian ako. Ng slight. Ahehe.

---  Dati, ayoko talaga no'ng hero na may gustong iba tapos saka siya magkakagusto sa heroine. Pero ginawa ko pa rin dito sa nobela na `to. Wala lang. Para maiba naman sana.

---  Si Harvey na boss ni Lyn sa Music And Notes at si Mallows (the singer) na nabanggit sa kuwento ay sina Harvey at Mallows ng Why Did I Fall In Love With You? (Story ni Guji [Tennis Knights] at Jill)

---  Ang una kong naisip na meaning ng R sa story ay "Ring." Pero masyado na kasing mainstream for me ang singsing so ayon, hindi ko siya tinuloy.

0 comments:

Post a Comment