When A Genius Falls In Love


WHEN A GENIUS FALL IN LOVE
by: Marione Ashley
Released Date: June 13, 2012
[Tennis Knights]

“Parang DSLR ang pag-ibig. Kapag nandiyan na sa harap mo ang taong mahal mo, nagbu-blur na ang ibang tao sa paningin mo.”

Secretly loving a genius ang drama ng buhay ni Aivi sa loob ng limang taon. Pulos pagpapa-cute at pagpapalipad-hangin ang ginagawa niya para mapansin ni Chase. Kontento na siya roon dahil para sa kanya, matanaw, makasama, at makausap lamang niya ito ay masaya na siya. Pero bigla siyang nagising sa pag-iilusyon nang ipakilala sa kanila ni Chase ang fiancée nito na si Destiny. Teka, hindi ito kasama sa love story nila! Suddenly, all her dreams about Chase being her husband vanished into thin air. But she was not Aivi Lim for nothing. She had to do something. She had a battle to face.

A battle against Destiny.

Sana lang ay manalo siya…




---  Si Chase ang pampito sa Tennis Knights na may girlfriend na. Dapat talaga, siya muna ang gagawan ko bago si Kei. Eh wala pa akong maisip na plot for Chase that time so inuna ko na si Kei.

---  Saint Louis University is another university near Saint Vincent. `Yan din ang school ni Allie (Lady love ni Enzo). Mababanggit pa ang Saint Louis sa next book ng Tennis Knights. Tiwala lang. Hehe.

---  Sa mga nakabasa na, mapapansin na si Chase ay may future na maging... stripper. Sisihin niyo po si Choi Siwon ng Super Junior at huwag ako. While I was writing this story kasi, it was Super Junior's comeback. Their fifth album was released. Kung makikita niyo ang picture ni Siwon sa teaser, well, nakita niyo na rin ang katawan ni Chase :)

---  Ang plano ko eh ala "Playful Kiss" sana ang novel na `to. Hindi pala bagay kay Chase so ayon.

---  Hindi talaga dapat sexy si Chase. Hindi talaga siya dapat... "tease." Ewan ko ba kung bakit biglang nagbago ang characterization ko sa kanya. Ah, sisihin niyo pala `yong bias ko.

---  Iyong diary ni Chase ay spur-of-the-moment thing. No'ng pina-revise kasi sa `kin si Chase, wala akong maisip na way para maipakita `yong love niya for Aivi at hindi dahil bored lang siya kaya gano'n `yong kilos niya around Aivi. Tsaka dapat maging OOC siya, `no.

---  Si Chase ang kaisa-isang member ng Tennis Knights na hindi napakailaman ni Enzo ang love life. YATA. Hindi ko kasi maalala kung nakialam ba siya kay Cloud. Wait, iisipin ko.

---  Again, wala pong story si Chance at Destiny dahil sa totoo lang, ayoko po kay Destiny.

---  Si Chase `yong for revision lang pagkapasa ko pero inulit ko siya ng buo. As in buong-buo. Sumakit talaga ng bongga ang bangs ko kay Chase kaya sobrang natutuwa ako kapag may nagsasabing nagustuhan nila ang abs niya. Char :D

---  Meron akong inconsistency na napansin dito kay Chase. Ayoko nang banggitin. Bahala na kayong maghanap. Ahehe.

0 comments:

Post a Comment