HIS BEAUTIFUL DISTRACTION
Released Date: May 16, 2012
[Sequel to No Other]
"Gusto kong mabuhay para maturuan kang mahalin ako. Kasi mahal na mahal kita. Sobra-sobra."
Kitkat met Milo nang isang gabing hinimatay siya. Ito ang tumulong sa kanya. From that day on, he was always there for her. Ginagawa nito ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya.
Nang makulong siya sa yakap nito, bigla ay parang gusto na niyang magpa-house arrest at makulong na lamang forever sa yakap nito.
Nang dahil kay Milo ay marami siyang natutuhan. Natutuhan niyang magmahal, ang maging malakas, at lumaban. Nang dahil din dito ay natutuhan niyang humiling ng isang napakaimposibleng bagay—ang mahalin din siya nito.
Puwede kaya?
--- Just like what I had written on the first page (Author's Page) of this novel, the title comes from my baller band that reads, "Always Will Be His Beautiful Distraction." No'ng nakita kasi `yon ng friend ko sabi niya puwedeng title ng novel. Why not, di ba? So pinaikli ko at ginawa na lang na His Beautiful Distraction. (I'm planning to write a spin-off novel na His Beautiful "Something" ang title. Plan lang naman :D)
--- Si Milo ay galing pa sa sinauna kong nobela na No Other. While conceptualizing His Beautiful Distraction, wala akong maisip na pangalan ng guy. Then I was scanning my old post sa Facebook. Nakita ko `yong picture na nilagay ko na visual peg kay Milo and I read that "some" were asking for his story. So siya ang ginawa kong hero dito. His real name is Michael Angelo, kakabit ng Michael Oliver ni Mico. :) If you happened to read the first page of this novel, malalaman ninyo na totoong tao sina Milo at Mico. Favorite ko ang kit kat at do'n naman galing ang name ng heroine na si Kitkat :D
--- Feeling ko si Milo ang isa sa mga sexy at manly na hero na nagawa ko. (Wala pa rin tatalo sa lalaking binabalandra ang abs. Hello Chase!) Sa totoo lang ayoko ng umiiyak na hero. Pero no'ng pinaiyak ko si Milo, dama ko, eh. Feeling ko ang manly niya that time. `Yong lalaking hindi mahihiyang umiyak, `yong hindi niya tinitingnan na kahinaan ang pag-iyak. Ah, Milo. Haha. May isang scene dito, `yong lumabas siya ng comfort room na nakatapi lang ng tuwalya. Ang plano ko nga is malalaglag `yong tuwalya niya. Nahiya naman ako so next time na lang. Chos!
--- His attitude, `yong sobrang busy at walang time sa ibang bagay pero pagdating sa girl na gusto niya ay ida-drop niya lahat ng ginawa niya, ay galing sa isang lalaki na kakilala ko. Isn't it nice to have that someone who's willing to drop off everything he's doing just to be with you?
--- Regarding Kat and Milo's doctor friend, Ares, well, wala po siyang story. I dunno what's with him and there are people asking for his story. Feeling ko naman filler lang siya talaga. Feeling ko nga wala siyang character.
--- Intensive research ang ginawa ko sa story na ito (Regarding sa heart ailment ni Kitkat) dahil ayoko naman na bara-bara lang siya dahil totoo `yong sakit. Ayokong magbigay ng false information sa mga readers.
--- Ang favorite part ko dito ay `yong sinugod sa ospital si Kitkat tapos galit na galit si Milo pero pagkakita kay Kitkat, nawala `yong galit niya. May kakilala kasi akong ganyang lalaki. Wala, ang sweet lang :)
--- May na-mention akong Korean Idol Group sa novel na ito. Napadaan lang `yon pero may story sila. Abangan niyo sana.
--- The To-do List was supposedly a bucket list pero hindi ko maisipan ng dahilan para mapunta kay Milo `yong bucket list so ginawa ko na lang To-do list. Hehe.
--- `Yong ending ng novel (The balloon thing-y) ay napulot ko sa MV ng Super Junior na No Other. Hohoho!
0 comments:
Post a Comment