Lucky We're In Love


LUCKY WE'RE IN LOVE
by: Marione Ashley
Released Date: March 27, 2012
[Tennis Knights]

“Love isn’t about who did wrong and who should do the right move. It’s about fighting for your feelings no matter how much you’ve been hurt.”

Lakas-loob na nagtapat si Yanie ng pag-ibig sa kaibigan niya na si Kei pero halos madurog ang puso niya sa ibayong sakit nang deretsahang sabihin nito na kapatid lamang ang tingin nito sa kanya. Upang makalimot ay nilayuan at iniwasan niya ito.

Limang taon ang lumipas na hindi sila nagpapansinan. Nakaya niyang mabuhay nang hindi kasama si Kei. Hanggang isang araw ay nilapitan siya nito dahil sa nalaman niyang sekreto nito. Gusto rin nito na ibalik ang nasirang pagkakaibigan nila pero alam niya na nagkukunwari lamang ito upang kunin ang loob niya at hindi siya magsalita laban dito.

Pero siya na yata ang reyna ng katangahan dahil naniwala pa rin siya rito. Hanggang sa ang damdaming akala niyang naglaho na ay muling umusbong. Ngunit ang inaakala niyang totoong pagmamahal nito ay lokohan lamang pala talaga.

Mukhang hindi na Band-Aid ang kailangan ng puso niyang sugatan kundi ang pagmamahal ni Kei—pagmamahal na malabong makuha niya.




---  Ang una kong title para sa novel na ito ay "When Love And Kei Collide." Pero no'ng kino-conceptualize ko na `yong mismong story-plot ko for Kei and Arianne, nawala `yong hatak no'ng title sa akin. So baka sa ibang story ko nalang gamitin `yang title na yan :) `Yong Lucky We're In Love ay galing sa kanta ni Jason Mraz na Lucky. Gandang-ganda kasi ako sa kantang `yon at feeling ko swak naman siya in a way so ayon.

---  Kei's name was from a very dear friend slash brother, Kuya Kei. Nilagyan ko ng full name si Kei na Kyohei Sawada na galing sa mga sumusunod: Kyohei from Kyohei Takano ng Yamato Nadeshiko and Sawada from Shin Sawada of Gokusen 1. Haaay. Pa-demure kasi si Kuya Kei, ayaw pagamit ang kanyang full name. Hehe. Though puwede rin na galing kay Kei Takishima `yung Kei ko. Chenes :D Well, `yung kay Arianne naman, kasi nagsisimula sa letter A. Request mula sa hero. :)

---  The reason why I had a hard time writing Kei last year was because of the timeline. Nag-cross kasi siya kay Guji. That time, hindi ko na-end ang conflict kay Guji. I mean, nag-end siya though may kasunod pa at kay Kei `yon. So gulung-gulo ako sa timeline na halos nagpadugo sa utak ko. Feeling ko ang pinakamagulong timeline ay mula kay Reus hanggang kay Kei.

---  The Dedication Part that Kei and Yannie did on the novel was based on my real life experience. Naks! Four years ago, when I graduated from High School, my crush (EHEM) wrote a dedication something for me, congratulating me for a job well done. So since I was reminiscing that time, I told myself, "Why not include that on this novel?" Hence the meaning behind the dedication between Kei and Yannie. Corny, I know. Haha.

---  I think isa si Kei sa muntikan ko nang iyakan habang naghihintay ng feedback last year. Malaki ang takot ko sa kanya. Kaya thankful ako na okay naman siya at pinabawasan lang ng flashback. Ang ginawa ko kasi sana, every chapter may flashback no'ng high school life nila.

---  Another best friends-turned-lovers story made by me. Ewan ko pero hindi ako nagsasawa sa ganitong plot. Though dalawa pa lang ang nagagawa kong ganito. Mico and now, Kei :)

---  `Yong snow globe na natatanggap ni Arianne galing sa unknown sender ay very random lang. Kaya nga pansin niyo na hindi ko masyadong binigyan ng pansin `yon? Hehe.

---  Unang nabanggit si Arianne sa third novel ko na Your Love Is My Drug. Friend kasi siya no'ng heroine do'n na si Ian. May isa pa silang friend, si Ashleigh. May story din siya pero hindi pa nare-release.

---  `Yong hilig ni Kei na paggawa ng juice ay nakuha ko kay Inui ng Prince Of Tennis. Mostly naman kasi ng Tennis Knights ko ay base sa Seigaku (POT).

0 comments:

Post a Comment