WHY DID I FALL IN LOVE WITH YOU?
Released Date: January 04, 2012
[Tennis Knights]
Naniniwala siya na mahal siya nito. And that was what was making her strong.
Ganoon na lamang ang galit ni Jill sa ex-boyfriend niyang si Jack dahil after their so-called “cool off,” bigla na lamang niyang nalaman na may bago na itong nobya. She wanted to get even. Gusto niyang ipamukha rito na okay lamang na nakipaghiwalay ito sa kanya at bale-wala sa kanya na ipinagpalit siya nito sa iba.
Then Guji Gonzado, the snobbish and oh-so serious member of Tennis Knights, entered the picture. Itinalaga nito ang sarili bilang “boyfriend” niya. Gusto rin daw nitong ipamukha kay Jack na mali ang ginawa niyon sa kanya.
Tinanggap niya ang tulong ni Guji.
Madali lang sana ang pagpapanggap nila bilang magnobyo kung hindi lamang unti-unting lumilihis ang puso niya sa kanilang plano. Batid naman ng puso niya na napakahirap mahalin si Guji pero sinasabi niyon na dapat siyang sumugal para sa sariling kaligayahan niya. Pero mukhang nakatadhana siyang masaktan dahil ang lalaking unti-unti niyang minamahal ay nakakulong pa rin pala sa nakaraan nito at ng babaeng hindi niya alam kung makakaya niyang labanan at higitan.
--- Ang una `kong working title para sa novel na ito ay "Doushite Kimi Wo Suki Ni Natte Shimattandarou?" pero dahil hindi naman Japanese si Guji or si Jill, hindi ko mapanindigan `yong title. So I used the English translation of Doushite... By the way, kanta po `yan ng DBSK/TVXQ/Tohoshinki.
--- Nakuha ko `yong name na Guji kay Guji Lorenzana na no'ng time na ginagawa ko si Guji ay crush na crush ko. Ngayon, naka-move on na ako sa kanya. His heroine, Jill, hindi ko alam kung saan ko siya napulot. Chos! Magkalapit kasi sila ng name ni Jelle (Lady love ni Reus sa Your Love Is The Only Exception) at dapat may reason pa yan. Since binago ko (ng hard!) `yong story ni Guji at kailangan kong panindigan `yong name ni Jill kasi nabanggit na siya kay Reus, kaya ayon, nawalan ng sense. Ah, I'm so magulo! Hehe.
--- I wrote Guji's story last Summer. I could still remember how I strived hard just to finish a chapter while reviewing my report for this certain Summer class. I love Guji that was why I had a hard time writing his story. Ah, I finished this one along with Riley's story. This was approved without asking for revisions, by the way. That was an achievement for me :)
--- The scene where they were at an abandoned amusement park was inspired on this manga, Shugo Chara! `Yong scene na dinala ni Ikuto si Amu do'n sa isang amusement park na malapit nang gibain. Ah, Ikuto, daisuki~
--- And I remember this certain line that I included on this novel. While Guji and Jill were watching this certain movie, the actress said this, "Tayo sana `to, diba? Kaso sumuko ka." Or something like that. Wala lang. Gusto ko `yang line na `yan kasi parang may bitterness pa. Oha. Ako na bitter. That time. Hehe. And I also like the line, "Bakit hindi mo subukang mahalin ang sarili mo? Para malaman mo kung gaano ka kahirap mahalin." Or something like that. Si Jill ang nagsabi niya. Kasi sa totoo lang, mahirap talagang magmahal ng lalaking hindi mo alam kung saan ka lulugar sa kanya. `Yon bang passive, cold etc. Hindi mo ramdam kung mahal ka ba o hindi. (Oo, wala ng konek ulit. Hehe. Sarrey, may pinaghuhugutan lang :P)
--- Lalabas pa sa iba kong nobela si Harvey at Mallows. PERO wala pa silang sariling istorya. Wala lang, mapapadaan lang sila. Love ko lang talaga si Mallows at Harvey kahit na ba napadaan lang sila dito sa nobelang ito.
--- Sa pagkakatanda ko, si Guji `yong first ever suplado hero ko na nagawan ko ng story since si Riley ay nagpapanggap lang na untouchable. Hindi ko alam kung napanindigan ko ba `yong character ni Guji or hindi. But nonetheless, I still love him.
--- Jack has no story. Please, huwag na po siyang hanapin.
0 comments:
Post a Comment