Heart Of Mine


HEART OF MINE
by: Marione Ashley
Released Date: November 02, 2011

"Nobody has shown me how it feels to be taken care of except you. Kaya kahit sobrang pakialamera ka, hindi ko magawang magalit ng  tuluyan sayo."

Isang sikat na modelo ang secret boyfriend ni Rione. At kahit ayaw rito ng mga magulang niya para sa kanya ay handa siyang ipaglaban ito. Kahit madalas ay missing in action ito ay handa siyang intindihin ito.

Ngunit hindi sinasadyang nabuking ng kababata niyang si Riley ang lihim niya. Malapit ito sa mga magulang niya kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi siya isumbong nito—kesehodang pumayag siyang maging PA nito sa loob ng isang buwan.

Napilitan lang siyang sundin ang gusto ni Riley. Kaya bakit natagpuan niya ang sariling nag-e-enjoy nang pagsilbihan ito at kinikilig siya sa lahat ng ginagawa nito? PA lang daw ang kailangan nito, hindi girlfriend.




---  The supposedly title of this novel was "A Girl Can Dream." Hindi ko alam kung bakit ko siya pinalitan at ginawang Heart Of Mine.

---  Ang character na si Riley Samuel ay galing kay Xavier Samuel na talaga namang crush na crush ko, lintek na. Haha. Nanggaling ang "Riley" sa ginampanan niyang role sa isang vampire film. Sadly, namatay siya do'n. Kalaban kasi siya eh. Biruin mo, `yong pogi niyang `yon? Hehe! Ang nickname naman ni heroine na Rione ay (coughs) galing sa aking pen name na Marione. Hindi naman halata, di ba? Hehe!

---  I passed Riley's story last August 2010. Sadly, na-return siya. Siya ang kauna-unahan kong returned MS. At sana siya na lang. `Wag nang madagdagan pa. Tinambak ko siya ng pagkatagal-tagal at binalikan no'ng summer 2011. Habang nasa Summer Class ay ginawa ko siya at sa awa ng Diyos ay na-approve din. (Sorry talaga sa mga classmates ko na nagre-report no'ng time na `yon kung hindi ako nakikinig >_<)

---  Regarding the scenes: Hindi naman halatang favorite ko ang Tagaytay? And the padlock-key myth that I included in this novel/scene was from a myth from Korea. Mayroon pong ganoong lugar sa Korea (At sa Guam din yata?) and the myth was the same as the myth I included on the novel.

---  Paborito ko dati ang Spongebob at kagaya ni Rione ay natatanga talaga ako sa palabas na `yon. I also love Jimmy Neutron pero hindi ko iniyakan ever ang palabas na `yon. Hehe!

---  Noong umpisa pa lang ay gusto ko nang gawan ng story si Reize at Ramonli. Pansin niyo, pulos R ang simula ng pangalan no'ng tatlong magkakaibigan? Haha. Kaya lang tinatamad na ako. Katagalan nawalan na sila ng amor sa `kin.

---  Favorite scene ko rito `yong naka-headset si Riley tapos sinabi ni Rione na guwapo siya, `yun pala naka-off naman `yung sounds nung iPod niya. Hehe. Wala lang, ang kulit lang kasi no'ng scene na yon.

---  Hate na hate ko ang dalawang kontrabida sa novel na `to. Don't ask why. Basta, I hate them.

---  Somehow, sa lahat ng mga heroines ko, si Rione ang masasabi kong 75% ay ako. Lalo na kapag tumitingin sa abs ng lalaki. Hehe!


1 comments:

  1. Did you know that you can earn cash by locking selected pages of your blog / website?
    Simply join Mgcash and implement their content locking widget.

    ReplyDelete