Your Love Is The Only Exception


YOUR LOVE IS THE ONLY EXCEPTION
by: Marione Ashley
Released Date: September 20, 2011
[Tennis Knights]

Love is when you realize you are happy... because he is beside you.

Sa loob ng limang taon ay inalagaan ni Jelle si Guji sa kanyang puso. Nakontento na siya sa palihim na pagmamasid at pagtanaw niya rito mula sa malayo. Until one day, she learned that he already had somebody else. Naalarma ang puso niya kaya naglakas-loob siyang lapitan ito.

Her plan was almost perfect. Kung hindi lamang palaging sumusulpot sa eksena ang “tinik” sa lalamunan niya na si Reus San Diego, ang kaisa-isang tao sa buong university nila na nakakaalam ng lihim na pagtingin niya kay Guji. Sa bawat pagkakataong nagpapapansin siya kay Guji ay palagi nitong sinisira ang diskarte niya. Hindi niya alam ang dahilan ng panggugulo nito kaya isang araw ay nagulat siya nang bigkasin nito ang mga katagang “I’ll make you love me, Jelle.”

Hala! Hindi siya maaaring magkagusto rito dahil hindi niya ito type. Pero bakit parang nagdiwang ang puso niya dahil sa mga katagang iyon? Parang sinasabi rin ng puso niya na bigyan niya ng tsansa si Reus na ipakilala nito ang sarili sa kanya.




---  The title comes from the song, The Only Exception by Paramore. But while writing this novel, Kissing U ni Miranda Cosgrove ang paulit-ulit sa playlist ko. Kulit, `no? Hehe.

---  Reus' nickname was supposedly pronounced as "Ruz" galing sa name ni Zeus. Eh ayon, nasanay `yong mga readers ko na "Re-yus" siya so fine, "Re-yus" na. Some were reading his name as, "Ra-yuz." Sige, kung saan po kayo masaya bilang pangalan lang naman `yan :) Iyong kay Jelle naman po, may reason talaga `yan. Siguro napansin niyo na magkatunog ang nickname nila ng Heroine ni Guji? Sadya `yon at dapat ay may malaking part sa story. Pero bilang napansin kong hindi pala "angkop" kay Guji `yong una kong naisip na plot sa kanya, binago ko. Hindi ko alam kung bakit ko pa pinaliwanag bilang wala namang konek pero kebs.

---  It took me four months to finish this manuscript. Nakailang palit at bura ako sa mga scenes dito dahil hindi ako makuntento. Ewan ko kung bakit. Dito ko unang naranasang matengga ng ilang buwan sa iisang MS. Hohoho.

---  Si Aivi na pinsan ni Jelle ay may story din as of now, (November 05, 2012) entitled When A Genius Falls In Love. Maka-harbat sana kayo ng kopya :)

---  The poem I included in this novel was written by me talaga. Eto `yong time na wala akong magawa at naisipan kong lagyan ng tula `yong manuscript. Buti nalang okay naman daw `yong tula. Hehe!

---  Regaring sa isang scene dito, `yong nasa ulanan sila, inspired yun sa isang quote na umiikot sa text. It was something like this:

G: Bakit ka ba tingin ng tingin sakin?
B: Masama ba?
G: Kapag ikaw na-in love sakin kakatingin mo, tatawanan kita.
B: Sige, tawa na.

     Wala lang, feeling ko bagay kay Reus at Jelle `yan kaya in-edit ko at sinama sa novel. Honestly, diyan ako kinilig ng bongga kay Reus.

---  Favorite ko si Allie rito. Wala lang, kuuwari pa kasi siyang inayos `yong gulo nila Jelle at Reus pero [Tikom ang bibig sa spoiler]. Hohoho!

---  No'ng sinusulat ko si Reus, inis ako sa kanya but when I read the hard copy, I fell in love with him na bihirang mangyari dahil most commonly ay pulos panlalait ang inaabot ng mga heroes ko sa akin. Hehe!


0 comments:

Post a Comment