No Other


NO OTHER
by: Marione Ashley
Released Date: February 02, 2011
[Sequel to I Want Your Love and Love So Sweet] 

Mahirap palang itago ang nararamdaman para sa babaeng mahal mo, lalo na kung ang nararamdaman mong iyon ay gustung-gusto mong ipagsigawan sa mundo.

A kiss on the cheek and a punch on the face. That was how Gail and Mico’s friendship started. Sa simpleng pagkikita at pagsasalpukan nila ay umusbong ang isang pagkakaibigang hindi nila inaasahan. Naging malapit sila sa isa’t isa. They protected each other and spent time together. Walang malisya ang pagkakaibigan nila dahil ang kuya nito ang gusto niya.

Pero isang umaga, nagising siyang si Mico na ang nakikita at hindi ang kuya nito. The fighter that she was, she started making a move. Nagpalakad siya sa kuya nito para lalo siyang mapalapit dito at para maturuan niya si Mico na mahalin siya.

She pretended she still liked Mico’s brother para makuha ang pagmamahal nito. Kung saan hahantong ang pagkukunwari niya—sa happy o sad ending—ay hindi niya alam.




---  The title comes from Super Junior's song "No Other." Ang dapat na title nitong novel ay Falling In Love but since my friend kept on singing No Other while I was writing this novel, (And yes, paulit-ulit din kasing naka-play sa music player ko ang No Other), eto na ginawa kong title. Super Junior, fighting! Hehe.

---  `Yong nickname na Mico ay real nickname ng crush ko. `Yong full name niya na Michael Oliver Castillo ay rambol-rambol na. The "Michael" comes from the real Mico's name. Oliver, galing naman sa English name ni Naru sa anime/manga na Ghost Hunt. Adik ako sa Ghost Hunt, eh. Ang Castillo ay middle name ni The Real Mico In Real World. K. `Yong Gail naman ay nickname ko. So yes, totoong tao sina Mico at Gail.

---  This was supposedly my first novel. But since I was so heartbroken (Joke!) when I was writing this, I wasn't able to finish this novel in time. Nahirapan akong ituloy kaya gumawa ako ng bago which was Les' story. So ang nangyari, `yong supposedly first novel ko ay naging pang-fourth.

---  Habang ginagawa ko si Mico last 2010, naisabay ko si Riley. Pero nauna pang na-approve si Mico dahil na-returne si Riley noon. `Saklap!

---  Si Milo na kapatid ni Mico dito ay wala naman talaga dapat na story. But as of now (October, 2012), may story na po siya na ang pamagat ay His Beautiful Distraction. Bumili sana kayo ng kopya :D

---  Wala pong story ang basketball team na kinabibilangan ni Mico, pinapauna ko na. Mahilig lang talaga akong magsingit ng kung sinu-sinong character. Para kapag wala akong maisip na pangalan for a new story, huhugot na lang ako sa mga past novels. Hehe.

---  Regarding the Tagaytay Scene, `yong sa Zipline, nangyari talaga `yan sa akin. Nangatog ako though walang Mico na humawak sa kamay ko. Haha!

---  Sa story na `to, favorite ko si Kuya Milo kahit wala siyang exposure masyado. At ang least favorite ko ay si Ciara.

---  Favorite ko talaga si Doraemon at may mga Doraemon collectibles ako dito. So since ako naman talaga si Gail, nilagay ko na rin `yung pagiging adik ko kay Doraemon.

---  `Yong ending nitong novel ay crossover sa ending ng Your Love Is My Drug at no`ng fifth novel ko.


0 comments:

Post a Comment