YOUR LOVE IS MY DRUG
Released Date: November 10, 2010
[Tennis Knights]
“Kung kasinlakas at kasinlinaw lang ng stethoscope ang mga tainga mo, narinig mo sana na ikaw ang itinitibok at isinisigaw ng puso ko.”
Ian’s boyfriend Aiden, left her for another girl. Wala na raw itong nararamdamang spark para sa kanya kaya mas mabuting maghiwalay na sila. Sa gitna ng pagdadalamhati niya ay nakilala niya si Chuck del Mundo. Unang pagkikita pa lamang nila ay pulos kabaitan na ang ipinakita nito sa kanya. Kapag down na down siya ay bigla itong sumusulpot at pinasasaya at pinalalakas ang loob niya.
Hanggang sa maramdaman niyang unti-unti na nitong pinapalitan sa puso niya si Aiden. Kahit hindi nito tahasang sabihin ay alam niya ang ibig sabihin ng panunuyo nito at ng minsang pagkanta nito sa kanya ng love song sa cell phone.
Hindi pa niya kayang mag-entertain ng panibagong pag-ibig. Pero kaya rin kaya niyang bale-walain ang ibinubulong ng kanyang puso? Handa na ba siyang isugal ang kapalaran ng kanyang puso?
--- The title comes from Ke$ha's song, Your Love Is My Drug. While I was writing this novel, I was playing Club City (Kung tama pagkakaalala ko) sa Facebook. Simulation game ang Club City na kung saan magtatayo ka ng sarili mong club, ganern. Isa `tong Your Love Is My Drug sa tugtog doon sa club na mina-manage ko. Na-LSS ako kaya ayon, naging title siya ng novel ko. Hehe.
--- Third written manuscript ko si Chuck at sa totoo lang, hindi ako gaanong nahirapan kay Chuck (Plot-wise). May pinaayos lang sa akin ng konti `yong editor ko then approved na siya kaagad. Ang gusto ko sana ala-Takeshi Kawamura siya ng Prince Of Tennis kaya lang hindi ko mapanindigan `yong character niya so binago ko na lang `yon.
--- Totoong tao si Ian. Siya `yong nabati ko sa first page nung mismong novel. Kung ano `yong name niya sa novel, `yon talaga `yung name niya sa totoong buhay. Iyong name naman ni Chuck ay galing sa inumin na Chuckie. At yung surname niya ay galing sa surname ng crush ng pinsan ko.
--- Medyo hirap ako sa characterization ni Chuck n'ong sinusulat ko siya bilang masyado akong nababaitan sa kanya. Hindi ako sanay sa mabait na hero. Halata naman sa ugali ko, di ba? Hehe. Hindi ko tuloy alam kung na-portray ko ng maayos `yong ugali niya sa novel. Mas sanay kasi ako sa maharot, mapang-asar, at makulit na hero. Pero mas mahal ko ang mga suplado at seryoso.
--- Aiden whom was Ian's ex-boyfriend will have his own story. And no, hindi po si Opal ang partner niya. Nabanggit na po somewhere ang name ng heroine niya. (Isip-isip) As in, nabanggit lang siya. Napadaan lang. Extra lang talaga pero `yon po ang partner niya.
--- Iyong kinanta po ni Chuck sa cell phone habang kausap niya si Ian ay kanta ni Aaron Carter na "Keep Believing." I don't know why I chose that song for him. Siguro akma lang talaga `yong lyrics sa kanila. And the song that was sang by Ian (And Chuck) at the Foundation Day was a song by Lea Salonga entitled "We Could Be In Love." Thanks to Ate Khris by suggesting this song :)
--- Favorite ko si Aiden Lee sa story. Dahil na rin sa taong pinaghugutan ko sa kanya.
--- `Yong ending ni Chuck ay crossover sa fourth and fifth novel ko.
--- May story po `yong dalawang friends ni Ian na sina Arianne at Ashleigh pero sa totoo lang, noong una ay filler lang si Arianne. Si Ashleigh talaga `yong may story. Pansin niyo, mahilig ako sa trilogy girls? (Una: Airin, Skye and Gail. Then, Ian, Arianne and Ash)
0 comments:
Post a Comment