Love So Sweet


LOVE SO SWEET
by: Marione Ashley
Released Date: November 02, 2010
[Tennis Knights]

"Meeting you was fate's joke. Being your friend was my choice. But falling in love with you was beyond my control. I love you very much."

Nagtataka si Cloud kung bakit parang galit na galit sa kanya si Skye. Gusto niyang alamin ang dahilan kung bakit ganoon ito sa kanya, pero hindi niya alam kung paano siya magsisimula. But it seemed fate was on his side. May nalaman siyang sekreto nito. Ginamit niya iyon para i-blackmail ito. Ang plano niya ay turuan ito ng leksiyon. Pero tuwing nagkakasama sila ay tila siya ang natututo mula rito. Hindi niya inasahang sa tulong nito ay madali niyang mauunawaan ang totoong kahulugan ng pag-ibig.




---  The title comes from Arashi's song, Love So Sweet. The time I was writing this novel, medyo nag-adik-adik ako sa Arashi. Alam ko hindi dapat ito ang title ko. Dapat `yung "Wish." Eh hindi na bumagay sa story so pinalitan ko.

---  Cloud was the second manuscript I wrote and the first time I did a revision. Minor revision lang siya. Thank God.

---  Mabilisan kong nasulat ang manuscript na `to. Sa lahat ng manuscript na nasulat ko, ang Love So Sweet ang nasulat ko sa loob ng isang linggo. Hehe. Ganado eh. Pero first time lang `yon. Hindi na ulit naulit. Sa pagkakatanda ko rin, etong nobela na `to ang hindi ko masyadong pinaghandaan ang plot. Hehe.

---  Cloud's name comes from a real person, Kuya Cloud. Though I didn't use his real surname and used my middle name instead. Skye's complete name was Skyeisha which was pronounced as "Sky-yesha." Cute kasing pakinggan ang Cloud-Skye love team kaya `yan ang pinangalan ko sa lady love ni Cloud. Kung magkaka-baby man sila, ang possible names ay Blue at Summer :) Coincidence lang na Cloud-Skye ang name ng mga bida, walang deeper meaning kumbaga.

---  Sobrang hooked ako kay Kim Hyun Joong noong time na sinusulat ko si Cloud so siya ang ginawa kong visual peg para kay Cloud. Well, for me ay bagay naman. Bleh. Imagine KHY shirtless, okay, I'm drooling. Kaya huwag na po kayong magtaka kung mayroon mang shirtless scene si Cloud sa nobela na `to.

---  May isang scene dito, `yong sa fireworks. Inspired `yon sa napanood kong fireworks display sa MOA one night na napadpad ako doon with... my family. Hahaha. Simple lang `yong fireworks pero nagandahan talaga ako. Sabi ko sa sarili ko, the next time I'll watch a fireworks display, I'll be with my other half, like Cloud and Skye. Ayon, so far, wala pa rin. Hahaha.

---  Eto random talaga. Si Linda na katulong ng mga Valeroso ay isang malaking pagong sa mundo ng mga animal. Haha. Dejoke, medyo hindi ko lang kasundo sa totoong buhay `yang taong `yan. Sorry po, Lord.

---  Sa una kong plot kay Cloud, may malaki sanang part si Charlie sa love story ng mga bida pero inalis ko na lang. Ayoko kasing magkaroon ng exposure si Charlie, eh. Ewan ko kung bakit. Pero crush siya talaga ni Skye, hindi na lang na-elaborate masyado.


0 comments:

Post a Comment